CHAPTER 4 ALMIRA Agad na humarang sa harqp ko si Ate Alena, nang tangkain akong sampalin ulit ni Mommy. "Mom, ano ba ang nagawa ni Almira, para saktan mo sya?" nagtatakang tanong ni Ate kay Mommy. Umiyak si Mommy sa sobrang galit sa akin. Binigay niya ang papel na hawak niya kay Ate Alena. Nang mabasa iyon ni Ate Alena ay nanginig ang mga kamay nito at dahan-dahan na bumaling sa likuran niya kung saan doon ako nakakubli. Lahat ng nakasaksi sa tagpong iyon ay tulala na pinapanood ang mga susunod na eksena. “May boyfriend ka ba? O ‘di kaya ginahasa ka? Sabihin mo akin, Almira. Sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo?” Nag-aalala pa rin ntanong ni Ate sa akin. Lumapit naman si Daddy sa amin ni Ate Alena at hinablot ang papel na hawak ni Ate.e Habang ang ina naman ni Samuel ay umbalal

