CHAPTER 7 ALMIRA Ikaw naman kasi Aimira! Hindi mo masisisi si Kuya kung bakit niya iyon nagawa sa'yo! Alam mo naman kung gaano kamahal ni Kuya si Ate Alena, kaya tiisin mo ang parusa niya dahil sa ginawa mo!" sermon ni Ashley sa akin. Nakaupo ako sa tiles habang hinahagod naman ni Manang Lelia ang aking likod. Hindi ko inaasahan na saktan ako ni Samuel. Pero tanggap ko na ang kapalaran kong ito. Hindi ako makapagsalita, masakit ang leeg ko sa ginawa ni Samuel. Nakakatakot siyang magalit na parang halimaw. Tumalikod na si Ashley at muling umakyat sa itaas: Walang sino man ang gusto akong kausapin maliban kay Manang Lelia. "Iha, mabuti pa magpahinga ka muna sa silid ninyo ni Sir Samuel. Hahatiran na lang kita ng makakain mo maya-maya. Siguradong hindi na iyon baba si Ashley, para kumain
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


