Chapter 64 Eunice Magandang senyales ang ipinakita ng Lola ninyo. Ano mang oras puwede siya magising. Kausapin niyo lang siya dahil marahil naririnig niya kayo,’’ sabi ng doktor na tumingin kay Lola. Tinawagan kasi ni Alexander ni Lola. Natuwa kami sa pahayag na iyon ng doktor. Pati si Lander natutuwa ng ibalita namin na gumagalaw ang kamay ni Lola kapag kinakausap namin siya. May dalang milktea si Lander at pizza. “Salamat, dok,’’ pasalamat ni Alexander sa doktor. Lumabas na ang doktor sa silid ni Lola. “Ate, Kuya, kumain muna kayo. Ayan ang milk tea, walang pampalamig, eh!’’ alok ni Lander sa amin ng Kuya niya. Naupo sa sofa si Lander, habang hawak na nito ang isang slize ng pizza. “Bantayn mo muna si Lola at samahan ko lang si Eunice sa Ob niya,’’ bilin ni Alexander kay Lander.

