Chapter 26 Alexander Lumabas ako sa secret village dahil may bibilhin sana ako. Subalit nakita ko si Eunice sa isang carenderia kumakain. Hindi pa nga ako sigurado noong una na siya iyon, subalit nang makomperma ko na siya nga iyon pumarada ako at bumaba sa kotse. Hindi ko akalain na magta-trabaho siya. Oo, inaamin ko na simula ng ikasal kami wala na yata akong magandang naidulot sa kaniya kundi ang pasamain ang loob niya. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Hindi ko alam kung bakit pinagdadamutan ko siya kung minsan. Pinapahalagahan ko kasi ang bawat bagay na binibigay ni Lola para kay Bianca. Si Lola lang kasi ang gustong-gusto si Bianca na maging myembro ng pamilya. Naghihintay ako kay Eunice na lumabas siya sa kaniyang silid. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari sa aki

