Chapter 39 Eunice Tunog ng mga kulisap ang aking narinig sa paligid. Narito ako ngayon sa bintana kung saan pwede ko masilip si Mama. Nakahiga ito sa malambot niyang higaan na binili ko noong nagta-trabaho pa ako. Maayos naman si Mama at malinis. Inaalagaan siya ng husto ni Tita. Sa bandang sala naman nakita ko si Tita na nakahiga sa upuan na yari sa kahoy. Nakita ko na kinakagat siya ng lamok. Tumulo na naman ang mga luha ko dahil hindi ko man lang sila magawang lapitan. "Tara na, Eunice. Hindi tayo puwede tumagal. Mahamog ang gabi, mamaya magkasakit ka pa," yaya na ni Adely sa akin. May talukbong naman ako sa ulo, subalit sinunod ko na lamang si Adely. Naglakad lang kami patungo sa bukid. Medyo malapit lang naman kasi iyong bukid sa bahay nila Tita. "Itigil mo na ang kakaiyak mo. B

