Chapter 36 Alexander Pagsapit ng alas-dies ng gabi dumating naman sina Mommy at Nathan. Tulog na si Lola, kaya dahan-dahan lang ang mga kilos at boses namin. “Mom, bakit narito kayo ni Nathan? Sino ang kasama ni Eunice sa hacienda?’’ tanong ko kay Mommy. "Sinamahan ko lang si Tita. Si Mayet at Manang Orzola ang kasama ni Eunice. Hindi na namin siya isinama dahil baka mapagod lang siya sa byahe." Si Nathan na ang sumagot ng tanong ko. "Ka ang Lumustola mo?" tanong ni Mommy. Lumapit ito kay Lola at hinagkan ang noo nito. "Ayos lang siya, Mom. Ang sabi ng doktor wala naman siyang sakit. Gusto niya lang makita si Bianca." Napairap si Mommy nang banggitin ko ang pangalan ni Bianca. "Sinunod mo na naman ang gusto ng Lola mo?" tanong ni Mommy sa akin. "Mom, alam mo naman si Lola, hindi b

