Chapter 20 Eunice Lumabas ako ng silid nang marinig ko ang ingay sa labas. Alas-nuibe na ng gabi at alam ko na kanina pa umalis si Nathan dahil narinig ko ang ugong ng sasakyan nito. Nagtungo ako sa bar counter ni Alexander. Nakita ko siya na halos hindi na makatayo ng maayos dahil sa sobrang kalasingan. Nagkalat ang mga basag na bote ng alak sa sahig. Iyon ang ingay na narinig ko. Marahil nagkalaglagan ang mga bote mula sa bar counter. Nilapitan ko si Alexander at tinulangan makatayo. “May pasok ka pa bukas bakit nagpakalasing ka?’’ maktol kong tanong dahil ang totoo ako ang may pasok bukas. Nakasampa ang kaniyang braso sa aking balikat. Ang bigat naman ng lalaking ito. Tumingin siya sa akin sa mapupungay niyang mga mata at ngumisi. “Ang ganda ng asawa ko,’’ lasing niyang banggit. Ma

