Chapter 83 3rd POV Kinabukasan abala sina Alexader at Eunice sa pagbubukas ng mga regalo sa kasal nila. Maaga silang natulog mag-asawa kagabi dahil sa sobrang pagod. Hanggang yakap lang muna sila kagabi at walang bakbakan na naganap sa kanila. Magaganda ang mga regalo na natanggap nila. Umaga pa lang ay may bisita na silang dumating. “Magandang umaga sa inyong lahat. Tapos na ba kayo magkape?’’ tanong ng bisita nila na dumating. “Hindi pa po, Tiyoy Cardo. Abala po kami sa pagbubukas ng regalo namin kahapon,’’ sagot ni Alexander kay Tiyoy Cardo. “Tamang-tama at balak ko talaga na rito magkape dahil malungkot magkape na mag-isa sa bahay ng pamangkin kong si Adely,’’ malawak na ngiti na sabi ni Tiyo Cardo. “Pasok po kayo, Tiyoy,’’ yaya ni Eunice sa tiyuhin ng kaniyang kaibigan. Nasa

