Chapter 24 EUNICE Pagkatapos prituhin ni Nathan ang turon nilagay ko na ito sa tupperware na pinagsidlan ni Alexander ng turon na ibibigay niya sana kay Bianca. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang para sugurin si Bianca ngayong gabi sa kaniyang condo. Niyaya ko si Nathan na samahan ako kay Bianca. Alam ko at ramdam ko na naroon si Alexander sa babae niya. Okay na sana sa akin na magkita sila ni Bianca, kaso ipinamukha sa akin ni Alexander kung gaano kababa ang tingin niya sa akin. "Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Paniniguradong tanong ni Nathan sa akin. "Oo, gusto ko lang ipamukha sa kabit niya na dahil sa turon pinagdadamutan ako ni Alexander dahil special ang turon na 'yan na ginawa ng Lola niya para sa babaeng iyon. Isaksak ko pa ito sa bunganga ng kabit niya, eh!" Tina

