NAKAHILERA SA tapat ko ang ilang koleksyon ng aking mga libro na binili pa sa akin no'n ni Dad. Simula kasi nang bumukod ako sa kanila ay paminsan-minsan ko na lamang silang nakukumusta mula sa phone, iba pa rin talaga kapag magkakasama. Hindi kasi sila p'wedeng bumisita sa akin ng matagal dahil walang magma-manage ng resort namin. Si Mom naman ay katulong din ni Dad sa pamamalakad ng aming negosyo. Wala naman ibang aasahan kundi kayo-kayo lang. Napangiti ako sa isiping iyon at kinuha ko ang isa sa aklat ng paborito kong author na si Bob Ong. Pagkatapos kong buksan ang lampshade ay isinuot ko ang aking reading glass para sa astigmatism. Kasalukuyan kong binuklat ang isa sa paborito kong akda niya. Ilang ulit ko na 'tong nabasa ang akda niyang "Stainless Longganisa," pero hanggang ngayon

