Naglibot lang ako sa mall. Kumain at bumili na rin ng bagong cellphone. Pasado 7:00 p.m na ako bumiyahe pauwi. Wala akong dalang sasakyan kaya umasa lang ako sa taxi. Sobrang traffic pa kaya inabot ako ng 8:50 p.m bago tuluyang nakaapak sa loob ng bahay ng tatlong gorilya. "Saan ka nanggaling?" bungad na tanong ni Beau na siyang naabutan ko sa sala. "Nandiyan na si Key?!" rinig kong tanong ni Xell mula sa kuwarto nito. Kaagad itong lumabas at nang makita ako ay patakbo pa itong lumapit sa akin at niyakap ako. "Aray," reklamo ko dahil sa higpit ng yakap nito sa akin. "Nag-alala kami sa 'yo. Hindi ka ma-contact tapos wala ka rin sa headquarters." Hinanap nila ako? Why? Wala naman kaming misyon ngayon. May kamay na humila kay Xell papalayo sa akin. Inaasahan ko ng si Zef iyon dahil siy

