Pagpasok ko ng aking opisina ay kasunod ko naman si Leslie, ipinatong ko muna ang mga dala kong gown sa couch at nagtungo sa aking mesa. Alam kong pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko at wari ko’y may gusto siyang itanong sa akin kaya napahinto ako sa aking ginagawa at binalingan siya. “May gusto ka ba itanong sa’kin Leslie?” Umupo muna siya sa aking harapan at naka halumbabang hinarap ako. “Who is he my dear Kristine?” nakangisi niyang wika. Taka ko naman siyang tinitigan at hinarap siyang nakahalukipkip. Bumuntong hininga muna ako at itinaas ko pa ang aking isang kilay. “Ano na namang tingin ‘yan ha Leslie?” “Ikaw Kristine ha! Naglilihim ka na sa’kin. Sino ‘yong guwapong doctor na ‘yon? At saka in fairness ang hot ah!” Umiling lang ako sa kan’ya at pinagpatuloy ko na ang aking gin

