“Hi Tin, bakit ang aga niyo naman yata umuwi ng mga bata? At saka bakit magkasama kayo ni kuya?” wika ni Macelyn nang mapansin niya si Mazer sa aking likuran. “Nag-insist siya na samahan ang mga bata dahil gusto ni Madel na kasama ang Papa Mazer niya.” Sabay kaming napalingon ni Macelyn kung sino ang nagsalita. Nakita namin na pababa si Jillian at karga nito ang kanilang anak. Lihim akong napairap at napabuga sa hangin. Lumapit naman siya kay Mazer at humalik pa ito sa kaniyang pisngi. Kahit anong pigil ko at tanggi ko ay sobrang sakit pa rin lalo na ‘yong nangyari sa amin kanina at sa sinabi niya kay Madeline. Tuluyan na nga talaga niya akong kinalimutan at wala na akong halaga sa buhay niya. Gusto kong maibalik ang mga alaala niya pero paano naman mangyayari ‘yon kung nakikita kong

