Who give you the right para ipatapon ang mga gamit ko sa labas ng kwarto mila?
Ako ashley, lumabas sya ng silid dahil dinig na dinig nya ang pagwawala nito.
As far as I remember kwarto ko yan, so ikaw ang tatanungin ko ngayon, bakit mo pinapakialaman ang mga gamit ko? At ang kapal ng mukha mong angkinin na kwarto mo yan.
Nakatulala ito habang nakatitig sa kanya, putlang putla ang mukha.
Yngrid your back! Bumalik ang tapang sa aura nito, napapangisi ito ng nakakainsulto,
So where is your son? Sabi kasi ni tita buntis ka kaya pinalayas ka na nya, at akin na lahat ng pagmamay ari mo kasama na ang kwarto mo.
At ngayong bumalik na ako, binabawi ko na lahat ng pag aari na inagaw mo, kasama na doon ang kompaniya ng pamilyang pinagnanakawan nyo ng iyong ama.
How dare you! Akmang sasampalin sya nito ng salagin nya ang kamay bago pa dumapo sa mukha nya.
Kung ayaw mong ako mismo ang sasampal sayo magdahan dahan ka sa mga action mo,
hindi ako Isang mahinang klase ng babae na hayaan kang saktan ako.
Baka ihulog kita dyan sa hagdan makita mo, kapag hindi ako makapagtimpi sayo.
Anong pruweba mo na ninakawan namin ang kompaniya?
Hoy yngrid, kami lang ni dad ang tumulong sa mommy mo nung nawala ka, kaya wala kang karapatang pagbinrangan kami.
Oh talaga ba ashley! Bakit parang hindi kapani paniwala, lahi kasi kayo ng mga user.
Ginagamit ng dad mo ang mommy ko para pagkaperahan, pina back ground check ko kayo bago ako lumayas.
So alam ko ang sekreto nyo na kahit Isang kusing walang wala kayo nung dinala kayo ni mom sa pamamahay na to.
Lahi ng mga gold diggers, baon na baon ang kompaniya ashley, so kayo ang namahala dahil may sakit si mommy.
Saan nyo winaldas ang billions na pondo at mga milliones na utang?
Wala akong alam sa sinasabi mo, wala kaming alam ni dad dyan.
I'll take over the company, I'm still the owner right? I'm the only daughter so hintayin ko ang resignation nyo bukas.
Binagsakan nya ito ng pinto, nanlulumo sya sa kanyang nalaman. Sinisingil na sila sa utang na hindi nya alam kung nasaan napunta.
Daddy gabayan mo ako, natatakot po ako sa mga mangyayari bukas,
dadalawin nya ang kanyang mommy sa hospital pero natatakot sya sa madadatnan nya doon.