chapter 17

398 Words
Yngrid wala nang atrasan to, alang alang sa mommy mo kailangan mong magsakripisyo, kausap nya sa sarili, Kahapon tinupad ni tito Kenneth,as he wish tito na ang tawag ko sa kanya ngayon, tinupad nya ang pangako nyang ipadala si mommy sa states para ipagamot, Napabuntong hininga sya habang nag aayos ng sarili. nagsusuot lang sya ng simpleng damit pang office work, Nilugay lang nya ang natural at tuwid na tuwid na buhok hanggang beywang, simpleng liptint lang ang kolorete nya sa mukha, bagay na bagay sa balat nya ang suot na tela. Unang araw nya bilang personal secretary ng anak ni tito Kenneth, kinakabahan sya sobra, ayaw nyang magsuot ng pang sexy baka mahalata pa sya na may balak syang akitin ito. Hello! good morning ma'am, pwede pong magtanong kung saan banda ang office ko? By the way I'm the new hired secretary for Mr ramsey. Nakakunot ang noo na may pasimple pang pag irap, Miss yngrid right? Please follow me, hinihintay ka na ni Sir sa loob. taas noo itong naglalakad papasok sa Isang nakasarang pintuan. Shit! Napapamura sya sa inis, bakit nakaligtaan nyang magsuot ng salamin. Ang lamig ng pawis nya, calm down yngrid kaya mo yan, kausap nya sa sarili. Miss yngrid pwede ka nang pumasok, tawag ng mataray na babae sa kanya, ano kayang trabaho nya dito para harapan akong iirapan. Kumatok sya ng tatlong beses bago may sumagot, please come in! Nainis sya sa tono ng boses nito parang bored, tama si tito Kenneth, tungkol sa pag uugali ng anak nya. Sumunod sa kanya yung babae kanina, Sir jeric nandito na yung secretary na pinadala ng dad mo. Sir jeric meet your new secretary, Miss yngrid laxamana. Natigagal sya ng bigla itong humarap, para syang napako sa kanyang kinatatayuan. Titig na titig ito sa kanyang mukha, na para bang kinakabisado bawat anggulo. diyos ko bakit nangyari sa akin to, di ba napagbayaran ko na yun ng matagal na panahon, bakit ngayon nasa harapan ko na naman ang katotohanan at ang isang patunay kung gaano ako kagaga. Stupid yngrid! Kastigo nya sa sarili, heto na naman kasi sya, sa paulit ulit na katangahan. para syang natuod ng walang kahirap hirap sya nitong nahila papunta sa naka konektang pintuan. Binagsakan nito nang pintuan ang nakatulalang babae sa labas. Excuse me! Sir what are you doing? Pilit syang kumawala sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kamay nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD