Parang tinakasan ng kulay ang kanyang mukha sa tanong nito, napapasinghap sya at hindi maka apuhap ng salita.
You look surprised sweetheart! Don't try to deny it again, lahat ng empleyado ko pina back ground check ko.
So Miss laxamana, alam ko na anak ko ang batang tinatago mo. Kahit hindi mo sasabihin sa akin malalaman at malalaman ko rin.
Actually may mga inutusan na ako na magbabantay sa kanya, baka bigla ka na namang maglaho.
Sa dami ng connections ko mahihirapan ka yngrid. Kung may balak kang itago ulit ang bata, mag isip isip ka, baka hindi mo na talaga sya makikita.
Ayusin mo ang sarili mo, personal secretary kita kaya gusto ko kahit saan ako nandoon ka.
I'm professional yngrid kapag oras ng trabaho, your safe with me.
Yung table mo pinadala ko na sa office ko, So pwede ka nang lumabas para mag umpisa, but before that let me kiss that lucious lips of yours.
Namimilog ang kanyang mga mata, hindi sya makahuma ng basta nalang kuyumosin ng halik nito ang kanyang mga labi. Pakiramdam nya namanhid na ito bago nito tigilan.
hindi pa nag sink in sa utak nya ang mga nangyari ng basta nalang sya iwan doon na nakatulala.
Hawak hawak pa nya ang namamantal na mga labi, did he just kiss me?
Nang nahimasmasan napapatakip sya sa kanyang mukha, gusto nyang magsisigaw sa inis.
Paano na, ano ang gagawin nya, parang nag back fire sa kanya lahat ng mga plano nila ng daddy nito. Ang bilis ng karma, at ang anak nya paano nya pa to matatago.
Nakatungo syang lumabas sa kwartong pinagdalhan sa kanya, .
Mas mabuting ngayon pa lang sanayin na nya ang sarili na laging makikita ito,
Ang daming nakasalalay sa bawat desisyon na gagawin nya, ang mommy nya at anak.
Napabuntong hininga sya habang dahan dahang binubuksan ang pintuan, ito na ang umpisa ng kanyang katapusan.
Ang opisinang ito ang magiging saksi ng kanyang pagdurusa,
Sigurado sya na pahihirapan sya nito ng sobra, pagkatapos ng natuklasan nito, bahagya syang napangiwi ng ito ang Bumungad sa pagbukas nya ng pintuan.
Salubong ang dalawang kilay nito habang nakatitig sa kanya,
Yngrid ang tagal ko nang naghihintay sayo dito, bakit ang tagal mong sumunod?
Ayaw na ayaw ko yung pinaghihintay ako. Nakabusangot ito habang pinapasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napapairap sya sa hangin ng bumalik ang pilyong ngiti nito. Napaka bopular.
Well parusahan kaya kita sa ginawa mong pagpapahintay sa akin.