Go home and packed all your things, huwag ka nang magdala ng mga gamit ni iñigo, ipag shopping ko nalang sya.
Anong sinabi mo? Hindi sya nakapagtimpi at napagtaasan nya ito ng boses.
Anong ibig mong sabihin sir? My god! Isang araw palang syang nagtrabaho sa lalaking to pero pakiramdam nya tumataas na agad ang blood pressure nya.
Ang sabi ko umuwi ka na para mag impake ng mga gamit mo, iuuwi ko na kayo sa bahay, walang prenong sabi nito.
Anong karapatan nito na magdesisyon para sa kanilang mag ina.
At sino naman ang nagsabi sayo sir na sasama kami ng anak ko? Napatiimbagang ito habang nakatitig sa kanya.
Kung hindi ka sasama pwes maiwan ka, pero kukunin ko na ang anak ko,
And don't try to fight me dahil hindi ka manalo.
Iniwan sya nito nang hindi pa naka recover sa mga pinag usapan nila.
Sa inis nya pinulot nya ang Isang pares ng sapatos at binato ito.
Pak! Tamang tama naman na humarap ito sa kanya, nasapol ito sa ilong napatutop sya sa kanyang bibig.
May dugo! Nahintakutang sigaw nya. May takong pala ang sapatos na suot nya, nakalimutan nya at Basta nalang itong ibinato sa lalaki.
Sir sorry po nabigla lang talaga ako, natatakot na sya ng tuloy tuloy ang pagdurugo ng ilong nito.
Tatawag lang po ako ng tulong para madala ka sa hospital, iniwan nya itong nakahawak sa ilong na puro dugo.
Anong nangyari sa anak ko? Humahangos na dumating ang Isang napakagandang babae, kamukha ito ni Sir jeric.
Tumayo sya nang hagurin siya nito ng tingin, tingin na nagtatanong kung sino say? At ano ang ginagawa nya doon.
Ma'am personal secretary po ako ni Sir jeric, I'm Sorry po ma'am, nakatungo sya at hindi makatitig dito ng diretso.
What's your name miss? Napatingin siya sa kausap, maaliwalas na ang mukha nito, yngrid laxamana po.
Are you related to Amanda laxamana?
Kilala pala talaga nito ang mama nya, or dahil sa laki ng utang ng kompaniya nila.
Opo! She's my mother, tuloyan na itong napangiti na ipinagtataka nya, hindi ba ito galit or nag alala para sa anak nya?
Kani kanina lang para itong susugod sa gyera kung matakbo. Lahi ng mga Bopular.
Amanda is my best friend back in college, kahit sa mga sandaling to were still friends.
Ahh kaya po pala ganun ang naging reaksyon nyo pagkarinig sa apelyedo ko.
So yngrid hija, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sa anak ko?