Mommy saan po kayo matutulog? nagtataka sya sa tanong ng anak. Syempre dito sa kwarto mo baby, ayaw mo ba akong katabi? Mommy Kasi po sabi ni Lolo at Lola sa kwarto daw po nila ako matutulog, ayaw ko po sana Kasi gusto ko kayong makatabi ni daddy, pero po lola looks really sad. Napapabuntong hininga sya, kailangan na nyang sanayin ang sarili na marami na syang kahati sa atensyon ng anak. Ok baby go to your Lolo and lola's room, I stay here baby, mommy will sleep here. Mommy di ba po dapat magkatabi kayo ni daddy? Kasi po mag asawa po kayo. Napanganga sya sa sinabi ng anak, Baby ang dami mong alam, daddy and i are not yet married but soon baby. So hindi pa legal na asawa ni mommy si daddy. Bago pa umabot sa Kung saan yung mga tinatanong at pinagsasabi ng anak hinatid na nya ito sa kw

