Amanda darling, dinig ko ang pinag usapan nyo ng mayordoma, tama ang ginawa mo nang hindi naiispoiled masyado ang anak mo.
Kung ituring nya kami dito sa bagay para bang may nakakahawa kaming sakit. Mas gusto pa nyang kasama ang matandang yun.
Ako din naman rigor nagseselos na ako dati pa sa closeness nila ng anak ko.
Mas mainam kung wala muna sya dito. Ngayong wala na ang daddy nya dapat nyang sundin lahat ng gusto ko.
Kasama na dito ang engagement nila ng lalaking gusto ko para sa kanya. Kay Anthony Salazar,naaalala mo ba nung party na dinaluhan natin?
Sya ang nag iisang anak ni Governor Alfred Salazar at katherine.
Magkakaibigan ang mga pamilya namin, kinausap na ako ni katherine tungkol dito.
Anthony likes my daughter, at gusto nyang mapangasawa ang anak ko.
Kaya sa 18th birthday ni yngrid I will anounce her engagement party.
Nicolette, gusto kung gumawa ka ng paraan para mabaling sayo ang atensyon ng isang Anthony Salazar,
Alam mo bang balak nang tita amanda mo na ipakasal si Yngrid sa lalaking yun?
Isa Lang ang alam kung dahilan kaya nagmadali si amanda para makasal si Yngrid.
Para sa merge ng dalawang kompanya, at para sa last Will and testament ng dating asawa.
Gusto ko na ikaw ang makabingwit sa lalaking yun.
Mas malaki ang tsansa natin na makuha ang kompaniya ng mga laxamana. Gamitin mo ang utak mo anak.
Ngayong nakapasok na tayo sa mundo ng mayayaman, aba dapat huwag na nating hahayaan na mawala ulit sa atin.
Ashley siraan mo si Yngrid sa mommy nya.
Ako na ang bahala sa iba, magpapabango tayo sa mga Salazar, at unahin natin ang asawa ko.
Sisipsip ka sa kanya para mawalan sya ng amor sa anak nya,at kapag magkasira na sila doon na tayo gagalaw.