Chapter 3

1443 Words
Ang Manlligaw kong si DOC at ang C.E.O" Written by; MHAYIE CHAPTER 3; ALTHEA EUNICE VASQUEZ : ***FLASHBACK*** Malapit na ako sa puntod nila Mama ng matanaw ko ang lalaking nakasuot ng blackpants and black shirt ,hindi ito pamilyar sakin kaya napakunot ang noo ko kung sino ito sa buhay ng mga magulang ko? meron kasi itong iniwan na mamahalin mga bulaklak "oo mga" dahil sobrang dami ng bulaklak na nilalagay sa tingin ko mga tauhan niya. Nanatili lang ako nakamasid sa di kalayuan ,dahil ngayon ko lang talaga ito nakita,Napatingin ito sa direksyon ko marahil naramdaman nito na may nakamasid sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasal ko kasi ng makita kong humakbang ito papalayo ay Nakaramdam ako ng pagkataranta ,hindi ko na namalayan na hinabol ko ang estranghero na ngayon ko lamang nasilayan,aminin ko hindi ako natatakot sa presensya niya bagkus ,magaan ang pakiramdam ko sa simpleng tanaw lang sa kanya. "S-sandali.!" sigaw ko ,na kinahinto ng lalaki. "S-sino ka ? at ano ang ugnayan mo sa mga magulang ko !? "walang patutsaga na tanong ko. Hindi ito umimik o lumingon man lang, kaya nagsalita ako muli . "Kaano-ano mo ang mga magulang ko? mawalang galang na pero ngayon ko lang po kayo nakilala.! at wala po ako matandaan na ipinakilala kayo sakin ng mga magulang ko! then tell me who are you? " naguguluhang tanong ko. Mukhang wala itong balak makipag usap o humarap man lang sa halip ay muli itong hahakbang sana paalis ng mabilis akong tumakbo sa harapan nito para pigilan pero Hindi ko napansin ang bato kaya natisod ako ,handa na ako sa pagsubsob ko ng biglang may mga bisig na yumakap sa bewang ko . Napayakap lang naman ako sa taong sumalo sakin ,hindi ko alam pero biglang kumabog ang aking dibdib ng magdikit ang aming katawan,hindi ko mawari ang ganitong pakiramdam dahil bago lang ito para sa akin. "Be Carefull Miss!" sabi nito,kaya napatingala ako sa lalaki ,ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng masilayan ko ang mukha nito na akala mo anghel na ibinaba sa lupa. "Miss are you ok?" sabi nito kaya medyo nahimasmasan ako at pinamulahan narin ng mukha dahil sa kahihiyan ,marahil napansin nito ang pagkagitla ko o pagkatulala ko sa mukha niya. "O-oo o-okay lang ako salamat!" sabay kalas ko sa pagkakayakap sa lalaki. "Next time mag ingat ka huwag kang padalos-dalos tignan mo napapahamak ka!" seryosong sabi nito na akala mo may pinapahiwatig na kahulugan. "S-orry po Sir!" nakayukong paghingi ko ng paumanhin.,narinig ko ang paghinga nito ng malalim. "About sa tinatanong mo ! im Carl your Dad Friends" "T-talaga po?pero wala naman po nababanggit si dad na maykai----!" pinutol na nito ang sasabihin ko. "Actually nameet ko ang mga magulang mo sa isang business trip kaya naman hindi niya ako nababanggit at isa pa minsan lang ako umuwi dito sa pinas at ang ama ko ang kaibigan niya talaga naging representative lang ako that time.!" mahabang paliwanag nito. "Ok im Althea!" sabi ko sabay lahad ng kamay , pero ang suplado hindi man lang nagawang kamayan ako at talagang tinitigan lang ako kaya naman binawi ko nalang. Nakagaanan ko na kaagad si Carl sa unang pagkikita namin ,at umabot sa punto na parang guardian s***h guwardiya ko na siya ikaw ba naman hatid sundo kahit di naman dapat,Kaya mula ng pagkikita namin sa puntod ng mga magulang ko naging malapit na kame sa isat-isa. ****End Flashback****** "Thea!" agaw pansin nito . "B-bakit? " tanong ko kahit alam ko naman ang sagot ,ikaw ba naman ang bumalik tanaw ewan ko lang kung di ka mukhang nababaliw nakangiti habang natutulala. "Ok kalang ba? "nag aalalang tanong nito . "Oo naman ! ikaw ok kalang ba?" balik tanong ko. "Kanina hindi pero ngayon maybe!" "Huh?" takang tanong ko. "Never mind ! lets go hatid na kita papasok sa inyo!" "Huwag na Carl masyado na nakakaabala!" Pero Carl is Carl pagsinabi nito kelangan masusunod ,talagang bumababa pa ito para lang pagbuksan ako ng pinto ,wala na ako nagawa kundi bumaba nalang kesa makipag argumento pa sa kanya at alam naman natin na lagi ako hindi nanalo sa kanya. "Hindi kaba papasok?" tanong ko dito. "Hindi na ano oras narin mapupuyat ka lang pag nagstay pa ako ! pumasok kana ,at magpahinga!" sabi nito. "Sure ka?" paninigurado ko. "Yeah!" tipid na sabi nito. "Sigurado ka? ayaw mo talaga !? " pangingulit kopa. "Goodnight Thea!" sabi nito. " Seryoso ka ayaw mo talaga ?" "Ang kulit pumasok kana ! kundi kapa papasok hahalikan talaga kita!mukhang hinihintay mo goodnight kiss ko eh?" nakangising pagbabanta nito kaya mabilis na sinara ko ang gate at nagsalita. "H-Hindi ah, sabi ko nga papasok na ako Goodnight Carl Sweetdream!" sigaw ko . Kinabukasan maaga ako pumasok dahil kailangan ko magreview para sa first subject namin,hindi ko narin nahintay na sunduin ako ni Carl dahil nakakahiya naman baka tulog pa iyon . "Thea ! kamusta ang date niyo ni CEO este ni CarL?" pag uusisa ni Gi. "Gi bunganga mo konting preno? saka f.i.y (For your in fomation) ,hindi kame nagdate Gi,huwag kang embentor . "Ay ano ba yan napakatorpe talaga nun!" si Gi. "Gi hindi naman torpe si Carl talagang hindi lang siya nanliligaw!" depensa ko. "Wow kung makadepensa ka akala mo totoo ! manhid kalang kaya di mo nararamdaman o nakikita yung effort niya Thea!" "Gi wala malisya yun paghatid-sundo niya ok!?" paglilinaw ko. "Hay naku bagay nga kayo! isang Torpe isang Manhid!" "Oo nalang Gi!" sabi ko ng matapos na ang topic namin kay Carl. Sa wakas tumigil narin sa pag uusisa ni Gi ,ewan koba kung ano nakain nito at G na G sa pag usisa bagay talaga nickname niya Gi ang babaeng G na G , maya maya pa ay pumasok na ang prof namin,nagdiscuss at nagpaquiz lang naman si Mrs.Chie yun ang madalas nito gawin sa subject namin ,matatapos na ang oras niya ng mag-anunsyo ito. "Ok Class ! pakicheck nalang sa baba ang Schedule niyo kung saang Hospital kayo mapupunta at sino ang kasama niyo ! please class huwag na kayong maging pasaway , maging mabait at masunurin higit sa lahat trabaho po ito hindi laro may buhay na dapat pag usapan at iligtas kaya sana you follow all the rules and regulations, sana ay May matutunan kayong lahat , ingat at good luck!!" mahabang bilin ng kanilang proof. Pagtapos ng klase namin ay nagtungo kame ni Gi sa may malapit sa library kung Saan nakadikit ang List ,buti nalang ay magkasama kame ni Gi sa iisang Hospital kaya masaya kaming dalawa ni Gi. Nang malaman na namin kung saan hospital at sino ang mga kasama namin ay sabay na kame lumabas ng School,malapit na kame sa gate ng matanaw namin ang Driver ni Carl mukhang busy ang binata at ang driver nito ang sumundo sakin. "Besty mauna na ako !nariyan narin kasi Sundo ko!" paalam ni Gi. "Ok ingat!" sabi ko . "ingat karin ah!" Tinanaw ko lang ng tingin ang papalayong rebulto ng kaibigan ko . "Maam! hatid kona po kayo!" untag ni Manong Jess. "Ok po Manong Jess!"sabi ko at pinagbuksan na nga ako ng pinto ni Manong. Tahimik lang ako sa byahe dahil ang isip ko ay nakatuon lang kay Carl ,ewan ko pero di talaga ako mapanatag. "Maam ok lang po ba kayo?" pagbasag ni Mang Jess sa katahimikan ko at napansin ata na kanina pa ako di mapakali. "Opo Manong!" "Ah kasi kanina ko papo kayo napapansin na ang lalim nang-iniisip niyo po.?" nag aalalang tanong nito. "M-manong Jess pwede magtanong? Asan po si Carl?" usisa ko kay Manong Jess . "Naku maam ayaw po talaga ipasabi ni Sir. Na may sakit siya ! ayaw niya kasi na mag alala ka pa sa kanya ,pero kasi po nag aalala po talaga ako kay Sir,maghapon nang hindi kumakain si Sir, nakakulang lang sa kwarto niya maghapon.!" sumbong nito. "M-manong pwede bang idaan mo ako sa condo unit niya?" pakiusap ko. "Naku Maam magagalit yun si Sir pag nalaman na dinaldal ko yung sakit niya,baka magalit yun at tanggalan ako ng trabaho Maam kailangan ko pa naman po ng trabaho ngayon?" pag amin ni Manong Jess. "Sige na po ako na po bahala sagot kita Manong promise!" sabi ko buti nalang ay kasundo ko si Manong Jess kaya mabilis ko ito na papayag.,Bago kame magtungo ng Unit ni Carl ay dumaan ako sa isang mini Store para bumili ng mga gamot at pagkain narin ni Carl,buti nalang ay malapit lang ang condo unit ni Carl kaya mabilis kame nakarating,hinatid lang ako ni Manong sa may entrance at nagpaalam na ito na uuwi na sa Mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD