"Mag-iingat ka sa Amerika. Ikamusta mo na lang ako kay Nancy." wika ni Catherine habang naglalakad sila sa habang inahahatid siya nito sa passenger’s area ng NAIA. Si Nancy ay isang pilipinang nurse na nagtratrabaho sa hospital sa Philadelphia kung saan din siya magtratrabaho. "Sasabihin ko kay Nancy na namimiss mo na rin siya." nakangiting sabi ko sa kanya. Tumingin sa akin si Catherine ng matagal bago nagsalita. "Basta tawagan mo ako kapag di ka okay dun. Kapag nalulungkot ka, kahit mdaling araw pa dito sa pilipinas, huwag kang mahiyang tawagan ako." "Opo, Ate." nang-aasar na sagot ko sa kanya. Pareho kaming natigilan ni Catherine ng marinig namin ang flight ko. "Oh, paano? Alis na ako?" paalam ko sa kanya. "Mag-iingat ka." Mahigpit niya akong niyakap. Ilang sigundo kaming magkaya

