"T-tita." kinakabahang tawag ni Catherine sa mama ni Nick. "Anong ginagawa mo dito? At Bakit kasama mo ang babaeng 'yan?!" Galit na wika nito sabay turo sa akin. "A-ano kasi..." Huwag po sana kayong magalit kay Catherine." putol ko sa sasabihin ni Catherinee dito. "Ako ang nagpumilit sa kanya na dalhin ako dito. Gusto ko na po kasi talagang makita si Nick. Kaya po sana, please, huwag po kayong magalit sa kanya." "Ang kapal rin talaga ng mukha mong babae ka! Matapos mong iwan ang anak ko ay gusto mo pa siyang makita." Mabilis itong lumapit sa akin at galit na hinablot ang kanan kong braso. "Bakit? Gusto mong makita na nahihirapan ang anak ko ng dahil sayo?!" "Alam kong nagkamali ako ng iwan siya at nagsisisi ako dahil dun. Gusto ko siyang makita dahil gusto kong makatiyak na okay lang

