Pagod na pagod pero masayang umuwi nang bahay si Maddy. Naiinip na rin siyang walang ginagawa kaya naiisipan niyang mag hanap ng trabaho bilang isang nurse. Hangga't maari ay ayaw niyang magtrabaho sa kumpanya ng pamilya Nick kaya ang inaplyan niya ay halos government hospital ng bansa. Mukha namang malaki ang pag-asa niya na makapasok dahil naging malaking tulong ang work experiences niya sa Amerika. Mabagal niyang binuksan ang pinto at aakyat na sana ng hagdan papasok sa kwarto ng magulat siya ng biglang may nagsalita. "Mabuti naman at dumating ka na." Nilingon niya ang nagsalita at nagulat na makita ang mama ni Nick. "Mrs. Texeira! Good Evening po." "Mukhang di ka masaya na makita akong muli iha. Ano nga ulit ang pangalan mo? Abby? Sabby?" "Nagulat lang po ako na makita kayo Ma'am.

