*************************************************************************************************************** Hindi ko matanggap na nagawa akong ikulong ni Nick sa kwartong ito. Alas dyis na ng gabi pero di ko magawang makatulog. Mugto na ang mata ko sa kakaiyak at paos na rin ako sa kasisigaw sa pangalan niya para pakawalan ako. ng mga oras na’to, pakiramdam ko isa akong munting ibon na nakakulong sa hawla. Hindi pwedeng makawala lalo na ang makalipad. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking pinakamamahal ko at kinamumuhian ko ng mga sandaling iyon. Gusto ko siyang saktan pero wala na akong lakas para gawin pa iyon. Lalo na at alam ko sa sarili ko na wala akong laban sa kanya. “Maddy.” Mahinang tawag niya sa pangalan ko.Lumapit siya sa akin at umupo sa bahagi ng kama n

