“Maddy, nakikinig ka ba?” Nagulat ako ng marinig ko ang inis na boses ni Nick. “H-ha?” tanong ko sa kanya. “Ano bang iniisip mo at kanina ka pa tahimik dyan? Kanina pa kita kinakausap per odi ka nagsasalita. Tell me, may problema ka ba?” nag-aalalang tanung niya sa akin. “W-wala. Pagod lang siguro ako.” “Sabi ko naman kasi sayo, di mo na kailanggang magnight shift pa. ikaw lang ang mapilit. Kung ganyan din lang, huwag ka nang mag night shift.” “Pero…” “Wala nang pero-pero. Buo na ang desisyon ko.” Isa ka na lang puppet ni Nick. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Aaron sa akin at nakaramdam ako ng takot. Takot para sa sarili ko… “Bukas na darating sina mama. Baka hindi na kita masundo pa kaya ipapasundo na lang kita kay Mang Ricardo. Tumawag ka sa akin kapag papunta ka na ng

