Naalimpungatan ako ng maramdaman kung may mabigat na bagay ang nakadagan sa bandang tyan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at puting kisame ang tumambad sakin. Tiningnan ko ang bagay na iyon' at nakita kong mga hita ang nakadagan sa halos kalahati ng aking katawan. Pagtingin ko sa kanan ay gwapong mukha ni Nick ang nakita ko. Si Nick? Anung ginagawa ni Nick sa kwarto ko?! Babalikwas na sana ako ng bangon ng unti-unting bumalik ang ala-ala ng nangyari kagabi. Oo nga pala, isinuko ko na ang bataan kagabi. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa natutulog na mukha ni Nick. "Alam kung gwapo ako at patay na patay ka sakin. Pero di mo na ako kailangan pang titigan ng ganyan." Sabi niya sabay mulat ng mga mata na may ngiti sa labi. "G-gising ka? Kanina ka pa ba gising?" Nahihiya kong tan

