Chapter 17

1889 Words
ALLESTAIR POV Nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa hindi ko alam, basta ang gusto ko ay umuwi sa bahay pero dahil malaking hunghang ang demonyong gwapong lalaking ito ay sugurado hindi sa bahay ang punta namin. Nakabusangot ako habang nakatingin sa may gilid ko, ayoko siyang pansinin, bahala siya diyan, mas masaya pang tignan ang mga punong kahoy at ilang kabahayang nadadaanan namin kesa sa pagmumukha niya. "Hindi ko naman alam na mahilig pala ito sa p****k" sabi ko sa isip. Nagulat nalang ako ng, "What are you talking there woman? And please, stop sprouting bad words! It doesn't suit you!" Angil nito. Bigla ay nangunot ang noo ko, bakit ano bang sinabi ko at nainis nanaman ito? Wika ko sa isip. "Sinasabi mo?" Singhal ko dito. Naku-naku, wag ako ang pinagloloko nito at baka mapatay kong wala sa oras. Hindi na siya nagsalita pa at ganoon din naman ako, tahimik naming tinahak ang daan papunta sa mansyon niya. Parehong walang kibuan. Pagkarating namin sa may garahe, ay biglang may tumawag rito. "Yes? Hello?" Panimula niya. Ng akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse para lumabas ay pinigilan niya ako. "Yeah! I'll be there, dont worry! Im coming. I miss you too." Narinig kong aniya sa kausap. Tuloy ay nadagdagan nanaman ang inis ko. At sino nanaman kayang walang hiya ang kausap niya para sabihan niya ng I miss you?! Alam ko wala kaming kahit ano mang koneksyon sa isa't-isa, na wala akong karapatang magalit at magselos, pero hindi ko alam kung paano pipigilan ang nararamdaman ko, lalo pa at pinakitaan niya ako ng maganda kahit pa kadalasan ay masungit siya. Ng lumabas siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ay inunahan ko na siya at nagpati-unang pumasok sa mansyon niya na akala mo'y pag-aari ko kung umasta. Parang girlfriend na nagtatampo ang peg ko ngayon, bahala na. Medyo malayo pa ang linakad ko bago makapasok sa main door kaya naman ay inilibot ko ang tingin sa paligid, doon ay nakita ko ang mga kalalakihang nagbabantay sa iba't-ibang sulok ng mansiyon, puro silang armado at nakaitim ng damit. Akala mo namatayan e. Ngunit napukaw ang atensyon ko sa kanila ng may tumikhim sa tabi ko, Pero hindi ko siya pinansin, ayaw ko siyang pansinin kaya mas binilisan ko pa ang lakad. Pinakiramdaman ko ang sarili, kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, bakit naiinis ako? Bakit galit ako sa kanya sa pagkuha kay Mika sa mafia niya? Sa taong sinabihan niya ng I miss you? Gusto ko na ba siya? Pero kasi, kakagaling ko lang sa break up imposibleng ma-fall agad ako sa kanya at saka minahal ko naman si Arries kahit papaano kaya imposibleng mawala ng ganoon kadali ang nararamdaman ko para rito. Napahawak tuloy ako sa dibdib, posible kayang mabura lahat ng sakit at galit sa taong minahal mo ng ganoon katagal ng ilang araw lamang? "P-posible nga kayang m-may gusto na ako sa kanya?" Wala sa sariling tanong ko, walang kaalam alam na naibulalas ko nanaman ito palabas sa isip. "Sinong gusto mo?" Tanong ni Cyver, hindi ko namamalayang nasa sala na pala ako at nakaupo sa mahabang itim na sofa. "Uwaaaaahhhhhhhh" malakas na tili ko. Nabigla dahil sa sobrang lapit ng mukha ng lalaki. "K-kanina ka pa diyan? N-nakakagulat ka naman." Utal ko pang tanong rito. Nakakagulat naman kasing parang kabute ang lalaking ito. "Hahaha. Not really, but i've been here since you enter the entrance light-headed until you sit here and say "p-posible nga kayang m-may gusto na ko sa kanya?" Pagtutulad nito sa sinabi ko. Bigla ay sinakop ako ng hiya sa sarili, ang tanga ko nanaman sa parteng iyon. "Hahaha. Dont worry, i won't tell anybody." Sabi pa nito. Pinakatitigan ko muna ang mukha niya, tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo. "S-sigurado ka ha?" Kinakabahang tanong ko. "O-oo p-promise." Utal din nitong sabi, ginagaya ang paraan ko ng pagkakasabi ng salita kanina. Hindi nawala ang tingin namin sa isa't-isa, nananantiya. Ng bigla ay, "Bwahahahahahahahahahahahaha." Malakas na tawa namin, umalingawngaw pa yata sa kasuluksulukan ng bahay ang lakas ng tawa namin. Nagtulakan pa kami pagkatapos, "Hahahahahahahahahaha" dagdag tawa namin. Pareho pa kaming nag-punas ng gilid ng mata sa kakatawa. "My god! It's been so long since i laughed like crazy!" Aniya ng tila iniisip kung kailan ang huling pagtawa niya. "Hahahaha. Ako din e, puro nalang kasi kabwisitan ang nangyayari sa buhay ko nitong nakaraan." Honest kong sabi rito. Ewan ko ba kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, karaniwan kasi ay hindi ako pala-istoryang tao. "Hahahaha. Ganoon ba? Pwes kalimutan natin iyan, manood nalang tayo." Anyaya nito sa akin saka binuksan ang malaking T.V sa may harap namin. "Sige ba. Gusto ko iyan." Masayang sabi ko rito. Gustong gusto ko talagang nanonood kaya lang ay simula naging teacher ako, nawalan ako ng oras, mas inuuna ko ang mga gawain ko bilang guro at pagkatapos ay sobrang pagod ko na kaya diretsong tulog na ako, tuwing sabado at linggo ko nalang nabubuksan ang T.V ngunit sa bilang na oras din. "Mystie pwedeng magpaluto ka sa Chef dun sa kusina, kahit ano nalang." Sabi pa nito habang busy sa pag-kakalikot sa mga wires ng T.V "Ah s-sige." May alinlangan ko pang sabi saka ay tinungo ang kusina. Nahihiya kasi ako, at baka sabihin ng mga tauhan ni King doon ay masyado na akong nagiging mapagsamantala at pati sila na hindi ko binabarayan ay inuutusan ko. Iniling ko ang ulo at saka naglakas loob na tinungo ang kusina. Pagkarating ko doon ay nakita ko ang ilang kataong nagtatawanan habang may hinihiwa. Tuloy ay mas lalo akong nahiyang istorbohin sila, ng tatalikod na sana ako ay, "Madam may kailangan po kayo?" Tanong ng matandang nagbigay sa akin ng damit ko na dahilan kung bakit nagalit pa sa akin si King. "Ah. Inutusan po ako ni Cyver magpaluto ng kakainin daw namin, manonood po kasi kami." Nakatungo at nahihiya kong sabi rito. "Ganon po ba maam? Sige po kami na pong bahala at isusunod nalang po namin." Sabi ng tingin ko ay chef. "S-salamat po. S-sige po." Paalam ko ng pigilan nila akong lahat. "Welcome po dito maam!" Sabay sabay nilang bati sa akin. Pare-pareho silang may ngiti sa labi, tila nagagalak na nandoon ako. "Ah. Hahaha. Salamat po." Masayang sabi ko sa kanila. Nakakataba ng puso. Nang magpaalam ako ay sumunod sa akin ang matanda. "May kailangan po kayo?" Mababa ang tonong tanong ko. Ngumiti siya ng bahagya. "Ako nga pala si Fe ineng. Tawagin mo nalang akong manang Fe." Pakilala nito sa sarili. "Ah ganon po ba? Ako nga pala si Allestair Mystie, tawagin niyo nalang po akong Mystie." Nakangiti kong turan rito. "Ah oo nga, hehe, nalaman ko nga. Napag-uusapan ka kasi namin, ikaw palang kasi ang dinala ni King rito sa bahay niyang babae bukod sa pamilya niya kaya naman ay natutuwa kami. Hindi naman yata lingid sa kaalaman mong napakalamig niya, hindi ba?" Nakangiti din nitong imporma sakin. Nagulat naman ako. Imposible naman yatang ako lang, sa gwapo niyang iyon? "Sana ineng ay matagalan mo ang ugali niya. Kahit naman ganoon ang ugali ng lokong iyon ay maalaga iyon, iba kung magmahal." Aniya. "Hahahaha. Naku manang Fe, mali po yata ang intindi niyo. Sapilitan lang po akong dinala ng mokong na iyon rito. Labag po sa loob ko. Hehe." Paliwanag ko rito. Nahihiya. Ang alam yata ng matanda ay may relasyon kami ni King kahit hindi naman. Jusko, kung alam lang nitong pina-kidnap pa ako ng loko ay siguro magugulat ito. Pero wala na akong balak banggitin pa. "Hahaha. Ganon ba ineng? Eh mas lalong nakakatuwa iyon dahil sapilitan ka pa niyang dinala rito. Sa pagkaka-alam ko kasi ay hindi gawain ni King iyon." Ani niyang namamangha. Ngumiti ako ng pilit, wala nga siyang alam. "Ah manang Fe, yung damit na binigay niyo sakin. Sino po nagbigay?" Curious na tanong ko. "Ah iyon ba? Si Adriel, yung kaibigan niyang palabiro." Sagot niya. "Ah sige po. Salamat po." Sabi ko rito ng nakangiti. Matapos ang usapan namin ni manang Fe ay tinungo ko ang daan pabalik sa may salas. Doon ay nadatnan kong tila naiinis si Cyver kakahanap ng papanoorin sa mga DVD's na naroon. "Huy! Anyare?" Kuha ko sa atensyon niya, ni hindi man lang nagulat. Hindi ko alam kung bakit at kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong mag-feeling close rito. Eh sa mahiyain akong tao, siguro ay komportable lang ako sa kanya. "I can't find any good movies here!" He frustratedly said. "Bakit ano bang klaseng movie ang mga iyan?" Ani ko sabay lapit upang tignan ang mga hawak niya? Pero inilayo niya sa akin ang kamay. "I cant even call it movie. Just, just dont even try to see it." Aniyang iniiwas din ang tingin. Pero dahil sa curious ako at mas nadagdagan pa iyon ng ekspresyon niya sa mukha, lalo pa at ipinanganak akong usisera, pinilit kong kunin ito sa kamay niya at tagumpay naman ako. "Tingin na kasi." Sabi ko rito at saka mabilis na inagaw ang DVD na hawak. "A-ano to?" Gulat na tanong ko ng makita ang nakalagay sa ibabaw. "A-ano tong mga to?!" Napasigaw pa ako sa gulat ng makita kong lahat ng nandoon ay kapareho ng nasa ibabaw, it's a p**n collection. Halos lahat ng makitang pictures doon sa ibabaw ng DVD ay malalaswa. "Yuck! Nakakadiriiii!" Tili ko pa at saka binitawan. Natatawang naiilang naman si Cyver sa akin. Hindi magawang mag-salita. Iniiwas ang tingin, parang batang nahuling gumawa ng mali. Katahimikan ang bumalot sa amin ngunit dahil sa nakakailang ang katahimikan, "Eh kung cartoons nalang?" Suggestion ko rito. "You sure?" Nagniningning ang mga matang tanong niya. "Yes!" Sagot ko rito, excitedly. "Tom and Jerry?!" Sabay pa naming sabi bago nagtawanan. Walang kasing bilis niyang kinuha ang remote ng cable at saka naghanap ng cartoon network. Sakto at Tom and Jerry nga ang nandoon. Hindi ko alam pareho naming hilig ang cartoons, lalo pa at Tom and Jerry, sigurado magkakasundo talaga kami ni Cyver. Hindi na kami nagpunta pa sa sofa para umupo, mas pinili naming humiga sa sahig malapit sa T.V habang parehong nakadapa. Pareho kaming tawa ng tawa sa katangahan nila Tom at Jerry ng may malakas na tili kaming narinig. Bigla ay tumingin kami sa may pintuan, only to see King and a drop-dead gorgeous lady beside him. Napakunot ang noo ko at tila may bikig sa lalamunan ng makita kong naka-angkla pa ang kamay niya sa kamay ni King. Our eyes met intently and we both raised our brows. Napakunot din siyang napatingin sa akin. "Who are you?" We both asked with the same intensity of voice. Nagtaray siya kaya wala akong balak pigilan ang sarili sa pagtataray din. Ngunit ramdam ko ang kaninamg dumaang sakit sa puso ko ng makita kong may kasamang ibang babae si King. Ang hayop ni hindi man lang nakuhang magpa-alam at umalis pala? Ngayon ko lang napansin na kaya pala walang King na kinaiinisan ko doon dahil umalis at ngayon nga ay may bitbit pang babae ang hangal. ______________________________________ Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD