Chapter 1

1078 Words
Nakarating ako da boarding house ko ng wala sa sarili. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga nakita ko kanina. Hindi maalis kahit anong pilit ko kaya naman ay napagdesisyonan kong lumabas. Bandang alas siete palang ng gabi kaya naman ay marami pang tao, buti nalang at biyernes ngayon kaya wala akong pasok bukas. Sa tingin ko naman ay mas mabuti na rin iyon dahil tingin ko ay hindi ko pa kayang makaharap o makita man lang ang dalawa. Gusto kong uminom kaya pinili kong magsuot ng jeans at white crop top saka pinatungan ng black cardigan. Guro ako at hindi magandang makita ako ng mga estudyante kong nasa ganitong itsura pero may sarili din akong buhay, ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko kaya naman ay hindi na din masama. May alam akong malapit na bar kaya naman pinili kong lakarin nalang, hindi din naman kataasan ang suot kong sandals kaya okay lang. Patawid ako ng kalsada ng may nagtext kaya wala sa sariling tinignan ko ito. Ma' love ❤️ Hi love. Sorry hindi na kita naihatid kanina, super busy kasi ako. Bawi nalang ako sa ibang araw. I love you and I miss you so much. Matulog ka ng maaga ha? Wag pababayaan ang sarili. Hindi na kita matatawagan dahil may papers pa akong inaasikaso. Nagsibagsakan ulit ang mga luha ko ng mabasa ko ang laman ng text niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit, sa tingin ko ay pinagloloko ako nito, pero tama nga naman. Linoloko naman niya talaga ako. Galit kong pinunasan ang noo'y basang basa nanaman na pisngi ko at mabilis na linakad ang daan, walang tingin-tingin, diretso lang ng makarinig ako ng nakakabinging busina sa kaliwa ko. My body went stiffed when I realized that I was about to get crashed, I was there standing in shock, my tears literally stopped, nawawala sa sarili at hindi mai-hakbang ang mga paa para umalis doon. Kung pwede lamang lumabas ang puso ko sa mismong dibdib ay kanina pa ito lumundag palabas sa sobrang lakas ng t***k nito. The driver beeped again but it was like I was lost, I don’t know what to do, my mind went blanked. I was still there, standing up like crazy. Namalayan ko nalang ang sariling inaalalayan ng driver ng Limousine car, he repeatedly asked me if I'm okay. Tango lamang ang isinagot ko. Hindi pa din makapaniwala, muntik na akong mabangga. Bwisit na Arries na iyon, muntik pa yata akong mamatay dahil sa kagaguhan niya. "Okay ka lang po ba miss?" "Sure ka ba?" "Walang masakit?" "Miss?" "Miss?" Paulit-ulit na tanong nito pero ni ibuka ang bibig ay hindi ko magawa. Kaya naman ay yinugyog nito ang magkabilang balikat ko, Doon ako natauhan. "O-okay lang p-po ako." Ninenerbyus kong sagot rito. "Sigurado ka?" May pag-aalala ang lalaking may katandaan na ang mukha ngunit makisig pa rin ito kumpara sa mga lalaking sa tingin ko ay kaedaran nito, "alagang gym ata si manong." Hindi ko namalayang lumabas ata iyon sa bibig ko, nalaman ko nalang ng bahagya itong natawa. "Sa tingin ko ay okay ka na nga. Kanina kasi ay wala ka sa sarili. Buti nalang at magaling ako." Masaya nitong sabi. Umusli ang ngiti sa labi ko ng marinig ko siyang magsalita, nakakahawa ang pagkamasiyahin niya. "Ah w-wala po yon manong. Si-sige po. Salamat po." Paalam ko rito dahil nagtitinginan na ang mga tao sa gawi namin, pati nagca-cause na din ng traffic ang nakaparadang sasakyan niya. "Tawagin mo na lamang akong Adriano iha, para naman hindi ako masyadong tumanda sa manong." Masaya ulit nitong sabi. Sasagot na sana ako ng may tumawag rito sa pangalang ibinigay niya. "Adriano! Lets go!" Malamig na saad ng lalaking nasa loob ng sasakyan. Hindi ko masyadong maaninag ito dahilan sa madilim sa loob ng kotse at hindi masyadong nakabukas ang bintana kaya kahit mailaw dito sa labas ay hindi pa din makita ang taong nasa loob. Nabaling naman ang tingin ko kay Adriano ng, "Wow lakas maka-Adriano ah" kantyaw ko sa sarili. “Ano close na agad kayo?” natatawa kong tanong sa sarili. Ng tumawa ito at pakamot-kamot pa sa batok, "Sige na miss ganda ha? Basta okay ka na ha? Aalis na ako at baka mapatay ako ng amo kong hindi alam ang salitang patience." Natatawa ulit nitong imporma sa akin. Nangingiti akong tumango rito at nagpa-alam na din. Hinintay ko hanggang makapasok at magsimulang gumulong ang sasakyan paalis, ng akmang aalis na ako ay hindi ko mapigilang silipin ang misteryosong tao sa loob ng sasakyan, natatandaan ko pa ang kilabot na lumukob sa pagkatao ko ng marinig ko ang boses niyang malalim at malamig. Dahilan sa medyo mabilis ang pagda-drive ni Adriano ay sideview na lamang nito ang nakita ko, naaninag ko ng kaunti ang sa tingin koy gwapo niyang mukha dahil sa kulay dilaw na ilaw sa loob ng sasakyan. Seryoso ang mukha nito at tila pinapagalitan ang matanda. Ng malayo na ang sasakyan sa paningin ko ay saka ulit bumalik sa isipan ko ang kanina ko pang iniisip. Bumalatay ang lungkot sa mukha ko at sakit sa puso ko, salamat sa matandang iyon at panandalian kong nakalimutan ang lalaking walang hiyang iyon. Agad kong tinahak ang daan papasok sa bar na pupuntahan ko habang nag-iisip. I need to get wasted or else, I might drown myself from deep thinking. Arries was my first love and my first heartache, he should be my last heartbreak. Malungkot ngunit determinadong pangako ko sa sarili. Sisirain lamang ng mga lalaki ang buhay ko, kaya bago pa mangyari iyon ay kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanila. Tama ng si Arries lang ang nagbalik ng tiwala ko pero binawi din naman. Tumigil ako ng nasa harapan na ako ng Bar. I took a deep breath and then walk gracefully, I swayed my butt confidently. I, then, took off my cardigan and enter the bar with those eyes plunging onn me. I smirked, hindi gaanong napapansin ang hubog ng katawan ko lalo na pag ang suot ko ay ang uniporme naming slacks and sleeves sa school, But The dress I wear tonight complimented my body kaya kahit simple lang ito ay dalang-dala naman ng katawan ko. "Ako lang naman ang sinayang mo."kausap ko kay Arries sa isip ko. Then smirked evilly. ______________________________________ Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD