ALLESTAIR POV Nakaupo ako sa kama namin ni King, nakatingin sa kawalan at tulala. Nasasaktan ako, natatakot at nagagalit. Mga emosyong naghalo halo na yata at pati isip ko ay hindi na makayanan. Matapos akong umiyak kay Adriano kanina ay inihatid niya ako sa kwarto namin, wala siyang sinabi kundi ay kailangan ko daw magpahinga para sa mga bata. Kasabay ng paghaplos ko sa wala pang umbok kong tiyan ay ang pagdaloy ulit ng masaganang luha sa mata ko. Akala ko ubos na, hindi pa pala. Pinahid ko ito ngunit napalitan ulit ng bago. "Tama na Mystie, bawal ma-stress. Makakasama sa mga baby yan." Kausap ko sa sarili. Bumuntong hininga ako ng tatlong beses at ipinikit ng mariin ang mata para patigilin sa pag-iyak, ilang sandali lang ay nagtagumpay din ako. Matapos mahimasmasan

