Chapter 8

1947 Words
"What was your idea about the SLA or Second Language Acquisition class? Do you think it’s possible to fully acquire the second language when you already have your first language?" Tanong ko sa mga estudyante ko. Highschool pa lamang sila pero advance na ang gustong ituro ng eskwelahan na ito sa kanila, para daw hindi na sila masyadong mahirapan pagtuntong sa kolehiyo. My point naman sila kaya, I agreed and willingly teach them. Nagsisi-taasan ng kamay ang ilang estudyante para sana sumagot ng kumatok ang kasamahan kong guro at tila nagpa-panic, "Excuse me class" paalam ko sandali sa mga estudyante ko. Agad akong lumabas at nagtanong. "Oh napano ka? Parang hindi makatae ah." Pang-aasar ko pa rito. "Ano ka ba Mystie, tigilan mo muna ang pag-jo-joke at sumama ka sakin." Sabay hinila ako nito. Nagtataka man ay nagpati-anod na lang din ako, mukang importante kasi. Mas lalong nangunot ang noo ko at halos maging isa ang kilay ng makita ko kung saan kami patungo, lalo pa at halos lahat ata ng guro at iba pang personnel ay nanduon sa gate, tila may hinaharang. "A-anong nangyayari?" Taka kong tanong. Naguguluhan. "Jusko hindi ko din alam at ikaw ang hinahanap. Halos nandiyan lahat ng representative na reporter ng bawat news station at ikaw ang hanap." Hindi mapakaling aniya at mas binilisan ang paghila sa akin. Ng makalapit ay agad akong pinaharap sa maraming reporter na kasalukuyang hinaharang ng mga security guard para hindi makapasok sa loob. Nagkikislapan ang kanilang kamera at halos wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila ng biglang mangibabaw ang isang boses, "Totoo po ba na ikaw ang huling kasama ng namatay na si Mayor Miguel bago mangyari ang insidente?!" Malakas na pagkaka-sabi nito kaya halos lahat ng tao roon ay nanahimik at hinihintay ang sagot ko. Pinagpawisan tuloy ako ng malapot at sumabay na tumambol ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba, nangangatal ang labi at nahihirapang magsalita. Hinihiling na sana ay higupin ako ng lupa ngayon din. Natatakot ako, pano nila ako nahanap? Kanino nila nalaman na ako ang huling kasama ng alkalde? Papatayin na ba nila ako? O ikukulong? Halos lahat ng iyon ay pumasok sa isip ko at nag-uunahan waring gustong humingi ng kasagutan. "Totoo po ba?!" Pag-uulit ng ilan na gustong kumpirmahin kung totoo ba ng wala silang mahintay na sagot mula sakin. "Ano ba?! Anong kaguluhan ito at nanggugulo kayo?!" Malakas na singhal ng aming BUTIHING principal sa mga reporter. Tumahimik ang ilan ngunit hindi papapigil. Akmang hahawakan ni Arries ang kamay ko para alisin roon ng magsalita ako. "O-oo. A-ako nga." Nauutal na pag-amin ko. Humugot ako ng napakaraming lakas ng loob para masabi lamang iyon at ngayon nga ay mas lalong sumidhi ang kaba ko, tila lalabas ang puso ko sa sobrang kaba, isang malalim na buntong hininga ang nailabas ko pagkatapos. Mas lalong nagwala ang mga tao roon, at pati mga kasamahan ko ay nagbulong-bulungan, waring nagtataka, ganoon din si Arries na nakakunot ang noo at tila nagtatanong. "Nakita niyo po ba kung sino ang bumaril sa kanya? May alam po ba kayo? O kasabwat kayo sa pagpatay?" Dire-diretsung tanong nila. Pare-pareho ng tanong. Mas lalo tuloy akong natakot magsalita dahil sa mga tanong nila at tila pati ako ay ikinokonsidera bilang suspect. Pero naisip ko din na baka pag hindi ko sinabi ang totoo ay mas lalo silang magtaka at sabihin pang kasabwat nga ako kaya nakakahiya man ay aaminin ko na. "T-totoo pong ako ang huling kasama ng a-alcalde at n-nakita ko din kung paano pa niya nagawang punasan ang d-dugong t-umulo sa noo upang tignan saka ito bu-bumagsak ng wala ng malay. Pero hindi ko nakita kung sino ang bu-bumaril dahil pagkalipas ng ilang sandali, dahil sa sobrang takot ay lalabas sana ako sa silid na iyon ng biglang may humablot sa buhok ko at lagyan ng panyo ang ilong ko na may kakaibang amoy saka ako nakatulog, p-pero b-bago ako tuluyang m-mawalan ng malay ay may isang lalaki akong nakitang nakatutok ang baril sa may malapit sa akin at pinutok iyon." Mahabang paliwanag ko habang nagkanda-utal-utal sa takot ng unti-unti ding parang nagflash na picture sa isip ko ang mga nakita ko ng gabing iyon. "Bakit po hindi kayo natagpuan ng pulis doon kung nawalan kayo ng malay base sa sinabi niyo?" Tanong ulit ng babaeng nasa balikat ang haba ng buhok at pandak. "Hi-hindi ko din alam, b-basta pagkagising ko ay nasa sariling bahay ko na ako at may nagpakilalang tatlong lalaki na tinulungan daw ako ng kaibigan nila bago ako iniwan mag-isa." Honest kong sagot. Wala naman kasi akong dapat ilihim kaya pinili kong sabihin ang buong nangyari. "Hindi po ba kayo nagtataka na bigla na lang kayong dinala sa bahay niyo imbes na sa ospital?" "Nagtataka pero ng ta-tanungin ko na ay tyempong nagpa-alam na sila. Hindi ko na sila napigilan dahil lutang ako ng mga oras na iyon." "Kilala niyo po ba ang mga lalaki?" Umiling ako. "Hindi pe-pero nagpakilala sila, yun nga lang ay nakalimutan ko na ang mga binigay nilang pangalan" Magtatanong pa sana sila ng hilahin ulit ako ni Arries at sinabihan ang mga Security guard at ibang guro na sila na lamang ang bahala roon. Kinaladkad ako nito patungo sa principal office at doon ay pabalyang binitawan. Hindi ko tuloy maiwasang mainis dahil pangalawang kaladkad na nito sa akin ng araw ding iyon. "Ano bang problema mo at bigla ka nalang nanga-ngaladkad?!" Inis kong angil rito. "Ikaw! Ikaw ang problema?! Anong pinagsasabi ng mga taong iyon?! At anong pinagsasa-sagot mo?! Bakit hindi ko alam?! Ha?! Putang!na sumagot ka!!" Galit na galit nitong sigaw sa akin. Hindi tuloy maiwasan ng isip kong maging pilosopo. Himala yata at naging concern siya bigla? "Narinig mo naman yung mga sinabi nila di ba? Pati na yung mga sagot ko?! At saka isa pa, hindi naman lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko ay kailangan mong malaman." Mahinahon kong sagot rito, waring pagod na pagod. Napabuntong hininga ako pagkatapos. "So totoo?! Na sangkot ka sa isang p*****n?! Na pumunta ka ng bar?! So totoo ang sinabi ni Mika?!" Galit na galit nitong sigaw na sa sobrang galit yata ay nawala sa isip niya si Mika. "Mika?! Bakit si Mika?! Ano naman ang sinabi niya?!" Nawawalan ng pasensyang tanong ko. Nagpapanggap na mabigla. "Hindi na mahalaga iyon! Sabihin mo sakin ang totoo!" Labas ang litid nitong sigaw. "So kailan pa naging reporter mo si Mika?" Saad ko. Nagsisimula na ring umapoy ang sinindihan niyang galit ko na pilit ko ng pinapatay. Sa puntong iyon ay gusto kong makita si Mika at ingudngod sa sahig pagkatapos ay pahiyain, pero ayokong dungisan ang mga kamay ko. May diyos naman para sa mga taong tulad niya. "Hindi na nga mahalaga iyon! Ang gusto kong malaman ay bakit ka nagpunta roon ng walang sinasabi sa akin?!" "Bakit hindi mo nalang tanungin kay Mika, tutal sinabi naman pala niya sayo? Saka sinabi ko na, hindi lahat ng bagay kailangan mong malaman!" Nang-aasar lalo na sagot ko. Sa inis niya sakin ay napahawak siya sa magkabilang balikat ko at nanggigigil na pinisil iyon. "Bakit ba Mika ka ng Mika?! Walang kasalanan iyong tao dito kaya huwag mong idamay!! Ang sagutin mo ay ang tanong ko kung bakit hindi ko alam na nagpunta ka sa bar?! Ano nagpaka-p****k ka doon?! Ha?! Guro ka Mystie dapat alam mo ang hindi dapat gawin ng guro!! Modelo tayo kaya dapat wag kang magpakalaswa!!" Sigaw niya sa mukha ko. Gigil na gigil. Naramdaman ko pa ang mga talsik ng laway niyang tumama sa mukha ko. Nakakadiri naman tong lalaking to. Gigil kong sabi sa isip. Pero hindi iyon ang punto rito, dahil parang isinasampal niya sa akin na prinoprotektahan niya ang babaeng hitad na iyon. Isa pa, ako p****k? Nagpapakalaswa? Modelo? Huwow! Look who’s talking. Sumabog bigla ang galit ko at walang kasim bilis ko itong tinulak palayo sa pagkakahawak sa akin, sa sobrang pag-a-apoy ng galit ko ay hindi ko alam kung paano ko siya naitulak ng ganoon kalakas, basta ang alam ko ng mga oras na iyon ay makakapatay ako kung hindi ko iyon ilalabas. Sinampal ko siya ng magka-bilaan, hindi pa nakuntento at sinuntok ko pati panga niya ng dalawang beses, nag-tuluan lahat ng luha ko na akala ko ay ubos na kaninang nag-usap kami ni faith pero marami pa pala. Sinampal sampal ko pa ang dibdib niya habang humahagulgol, hinawakan niya ang magkabila kong kamay para pigilan saka ikinulong sa bisig niya pero hindi ako don huminto, nagwawala pa din ako hinihila ang parehong kamay pero hindi ko mahila kaya ang tuhod ko ang ginamit ko at tinuhod ang noo'y nananahimik na p*********i niya. Natumba siya at nabitawan ang kamay ko, habang ako ay galit na galit pa din. Umiiyak. "Tinatanong mo kung bakit hindi mo alam?! Ha?! Eh putang!na mo naman pala eh!! Nandoon ako para mawala ang galit ko sayo, para makapag-isip kung ano bang kulang sa akin at nagawa mo akong lokohin gago ka!!! Ako nagpapaka-p****k?!! Anong tawag sa ginawa niyo ni Mika habang nandoon, naglalampungan, naghahalikan, nagpapalitan ng laway, at halos mag-s*x doon habang maraming tao?! Ha?! Wag mo akong igaya sayong makati ka!!! At saka anong modelo ang sinasabi mo ha?!! Modelo bang masasabi yung mga pinaggagawa niyong dalawa ng malanding babaeng iyon ha?! Ang kakati niyo!! Ang bababoy niyo!!!!!!!" Sumisigaw, galit na galit kong sabi. Sa wakas ay nailabas ko din ang galit ko. "Kaya wag kang mag-salita ng parang malinis ka, di ba nga sabi ko sayo tantyahin mo yang bibig mo dahil baka isampal ko sayo ang pagkatao mong hayop ka!!" Nanggigil kong turan rito. Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko. Nabigla siguro. Huh! Buti nga! "A-anong p-pinagsasabi m-mo?" Pilit tinatanggal ang kaba nitong sabi, pilit tinatanggi. Kinuha ko ang selpon na nakalagay sa bulsa ng slacks ko at hinanap ang kinuha kong picture doon saka ipinakita. Gulat siyang napatitig roon at ng marealize ay mabilis siyang lumuhod papunta sa harap ko, nagmamakaawa. "N-no! Mystie love. L-let me explain. H-hindi ko ginusto iyan. P-pinilit lamang ako ni Mika" nagmamakaawang paliwanag niya. Bigla tuloy akong natawa, para tuloy akong sira-ulo sa itsura ko, puno ng luha ang mukha tapos biglang tumawa, baliw siguro ang sasabihin ng mga makakakita sakin sa ganitong lagay. Pero talagang natawa ako sa rason ni Arries, the gago and my bobo Ex-boyfriend. "Ano ako tanga?! Para maniwala?! Hindi ka naman kagwapuhan para pilitin ng ibang babae at kung pinilit ka man ay may kakayahan ka namang huminde! And please, stop calling me love from now on because were done, were officially done!" Saka ko siya tinalikuran pero dahil sa sadya yatang tuko ang makating lalaking to ay mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin habang siya ay nakaluhod pa din. "Sorry love. Hindi ko na uulitin. Please wag ka lang mawala sa akin." Umiiyak, nagmamakawa. "Talagang hindi ka na makakaulit dahil wala na tayo gago!!" At pilit kinakalas ang hawak niya. "Pag hindi mo ako binitawan ikakalat ko ang picture ng kababuyan mo Arries. Makikita mo. At baka pati pinakamamahal mong trabaho ay mawala sayo, Sir Principal." Sa takot siguro ay agad niya akong binitawan kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para umalis dahil naririndi na ako sa mga lumalabas sa bibig niya. ______________________________________ Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD