Chapter 14

1005 Words

Masama ang gising niya kinabukasan dahil sa hindi maalis alis sa isip na kasama ng asawa si Cathy kagabi.  Wala na rin si Zane paggising niya.  Alas otso pagbaba niya'y naroon naman si Ezekeil sa komedor at nag aalmusal.  Nakabihis na ito para pumasok sa opisina. "Good morning."  Wika nito habang humihigop ng kape.  "Good morning," Inabot ng katulong sa kanya ang bagong timpla ng kape.  Her thoughts are still on her husband. "Dito din pala umuwi si Zane kagabi?  Alas dose umuwi ang Mama't Papa pero wala siya.  But I saw him left early today."  Kaswal nitong sabi at hindi niya naitago ang inis. "Woke up at the wrong side of the bed?"  Tanong nito nang makitang nakasimangot siya. "May relasyon ba ang Cathy na yun sa asawa ko, Zek?"  Nagulat ito sa tanong niya pero agad ding nakabawi. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD