Halos maghapon silang nag ikot-ikot sa Resorts World kasama si Zane at Jayzee. Tuwang-tuwa ang anak sa pamamasyal at pagbili ng kung ano-anong laruang maibigan na halos hindi na nila mabitbit. Maya't maya ang punta ni Zane sa parking lot para isakay saka babalik ulit sa loob para maglakad-lakad pa. Lagi nitong karga ang anak habang ang isang kamay ay hawak ang kamay niya na hindi naman niya tinutulan. Matapos nilang kumain sa pabiritong fastfood ng anak ay sa isang high-end restaurant naman sila kumain. Nakita nya kung paano alagaan ni Zane ang anak at masaya siya na sa wakas ay nakilala ni Jayzee ang ama. Alas syete na sila nakabalik ng mansyon at naroon na si Ezekeil na nakikipaglaro kay Ethan sa living room. Umakyat si Zane para ipasok ang ibang laruang pinamili na tinulungan ng katulo

