Pumasok sila sa isang conference room at naroon sa loob ang mga magulang ni Zane, si Ezekeil at si Zandro na kaagad ngumiti sa kanya. Sumilay naman ang kislap sa mata ng matandang Albano pagkakita sa kanila. "I'm glad you came, Selena. Matutulungan mo ang asawa mo sa pagpapatakbo ng negosyo. Now I can say that I can retire finally." "Thank you, P-papa.. naiinip din kasi ako sa bahay. I still have to learn though dahil nasa medisina ang talagang hilig ko." Wika nya ng maupo sa silyang inilaan ni Zane. "Walang problema iyon, Zane will teach you what you need to know." "At saang posisyon ko siya ilalagay, Papa? We can't fire someone just because she was bored in the house and wants to work." Madiin nitong sabi sa ama. "Madaling gawan ng paraan yan, Zane. She is a part of our family now a

