Sa kabila ng puyat at maaga pa ring nagising si Selena. Alas syete ay bumaba siya sa komedor at nakitang kumakain ng almusal si Ezekeil. Naka short na lang ito at tila galing sa pag-ehersisyo. "Hi, join me for breakfast, mas masarap kumain ng may kasama." Masayang wika nito sa kanya. If Zane is as friendly as Ezekeil, mas madali sana niyang pakibagayan. But Zane is like thunder. "Sure." Kumuha siya ng pinggan at pagkain sa mesa. "Ang... parents nyo?" She asked awkwardly. Napakunot ang noo ni Ezekeil. "Well, you should call them Papa and Mama already since you married Zane. And to answer your question, they left early. Lagi namang ganun sila Papa, work after work after work. Alam mo bang lumaki kami sa yaya?" "Hindi ko alam.." "Which one? Na dapat mo ng tawaging Papa at Mama ang magul

