Chapter 1

1036 Words
Ipinark ng amang si John Wong ang sasakyan sa isang malaking mansion na halos triple ang laki sa kanilang bahay. Ito daw ang magiging bagong bahay niya mula sa araw na ito. Tatlong araw mula ngayon ay ikakasal siya sa isang lalaking ni hindi niya pa nakikita sa tanang buhay niya. Siya si Selena Wong. Kung ano ang tunay na pangalan niya bago siya inampon ng magasawang John at Celine Wong ay hindi niya alam. Ayon sa mga madreng nagpaampon sa kanya ay sanggol pa lamang siya nang makita ng mga ito sa labas ng bahay ampunan. Bago pa siya matutong maglakad ay inampon na siya ng mag-asawang Wong. Sa una ay maganda ang buhay niya sa piling ng bagong mga magulang. Sa katunayan, ang pangalan niyang Selena ay hango daw sa pangalan ni Celine Wong. Nag-aral siya sa isang exclusive school. Sa kanya umikot ang mundo ng mag-asawa. Hanggang sa mabuntis si Celine Wong matapos ang mahigit sampung taon. Nagbago ang lahat ng pakikitungo ng mag-asawa nang lumabas ang anak nilang si Joanna. Unti unti ay nawalan na sila ng panahon sa kanya. Pagtuntong niya ng high school ay inilipat na siya sa isang public school na malapit lang sa subdivision nila. Dahil doon ay tinanggal na ang service niya at wala na rin siyang allowance. Pagkatapos niya ng high school ay tinanggal na ang mga katulong at siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Hindi na siya nag ce-celebrate ng birthday at wala na rin siyang natatanggap na regalo kapag pasko o anumang okasyon sa buhay niya. Ipinagpasalamat na lang niya na pinag-aral pa siya hanggang kolehiyo. Nangarap siyang maging isang Pediatrician, pero bago pa siya makapagtapos at gawin itong propesyon ay tinapos na ng umampon sa kanya ang kalayaan niya. She is getting married in three days time. At wala siyang magawa. "Isipin mo lahat ng hirap namin sa pagpapalaki sayo, Selena. Sampung milyon ang utang ng pamilya natin sa mga Albano at sarado na ang kumpanya. Ikaw na lang ang pag-asa namin at ngayon lang kami humingi ng tulong sayo," pangungunsensya ng ama-amahan. Nasa harap niya ang mag-asawa at ang kapatid sa turing na si Joanna na umiiyak. Hindi nito naiintindihan ang sitwasyon pero tila nakikisimpatya ito sa nararamdaman niya. And she loves her sister so much hindi man niya ito tunay na kapatid. Ayaw niyang maging pambayad sa utang ngunit kung hindi siya papayag ay makukulong si John at mauuwi sa mga Albano ang bahay nila. Isang mapait na tango ang pinakawalan niya sa ama-amahan. Today, she just signed her death sentence. "Salamat, Selena. Salamat sa pagsasakripisyo mo para sa pamilya natin," wika naman ni Celine. Hindi siya tumingin dito. Sa napakatagal na panahon ay nakalimitan na ng mga itong ituring siyang pamilya. Ngayon na lang ulit, pero hindi niya na maramdamang kailangan pa nya iyon. "Ayusin mo ang sarili mo, Selena. Haharap na tayo sa pamilya ng mapapangasawa mo," wika na ama-amahan na nagpabalik sa diwa niya. Pinahid niya ang mukha na may pumatak ng luha. Lumabas sa kotse at kinuha ang maleta sa compartment. Iginiya sila ng katulong na naka uniporme sa loob ng mansyon. Maya maya ay lumabas ang mag-asawang Julio at Armida Albano na pareho nang namumuti ang buhok dahil sa katandaan. They might be in their sixties or seventies. "Maaga ang dating niyo, John.  Baka gabi pa dumating si Zane." Bumaling sa kanya ang matandang lalaki. "Ito na ba si Selena? Bata pa nang huli kitang makita, iha. Baka hindi mo rin ako maalala pa." "Magandang gabi ho." Bati niya sa mag-asawa. Ngumiti naman ang mga ito sa kanya. "Ihatid niyo na ang mga gamit ni Selena sa guest room." Wika ng matandang Albano sa isang katulong. Tumalima naman ito at kinuha ang mga maleta niya. "Bukas o makalawa ay magsusukat ka ng wedding gown, iha."  Marahan lang siyang tumango. Tila siya nakalutang sa hangin sa mga nangyayari. "Selena will have a share in the company once they get married. Kung nanaisin nyang magkaroon ng posisyon sa kumpanya ay maari nilang pagusapan ni Zane." Kausap ni Julio ang ama niya. "Kailangan din namin ang kasulatan na wala na kaming pagkakautang sa inyo, Julio. At hindi magagalaw ang bahay at iba pa naming ari-arian." Bukod sa bahay nila, ang sasakyan na lang ang naiwang property ng magulang. "Makakaasa ka, John. Pagkatapos ng kasal ay matatanggap mo iyon sa abogado. Sa ngayon ay ang kasal ng dalawa ang kailangan nating asikasuhin." "Maraming salamat, Julio. Makakaasa kayong magiging mabuting asawa si Selena kay Zane." "Kailangan na naming magpahinga. Maaari mo nang iwanan si Selena dito, John." Nang umalis ang ama-amahan ay lalong bumigat ang loob niya. Napakalaki ng bahay na ito na tila kulungan sa kanya. Hindi niya kilala ang mga ito kahit sa pangalan. Pinasamahan siya sa katulong sa kwarto para maayos ang dalang gamit at makapag pahinga. Malaki ang silid na pinagdalhan sa kanya. May isang malaking pinto na may malapad na kurtina patungo sa balkonahe. Lahat ng kagamitan ay mamahalin. May sariling banyo ang silid, maliit na sofa at malaking tv. Hindi niya inalis ang mga damit sa maleta. Lumabas siya sa balkonahe at tinanaw ang paligid. Isang malawak na hardin ang natatanaw niya. Kung sa ibang pagkakataon ay matutuwa siya sa ganitong tanawin. It feels like serenity. Pumasok siya sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang asahan sa bahay na ito. Kung pinambayad siya ng ama sa mga ito ay kailangan niyang magtrabaho. Tulad din ng kung paano siya nagbayad ng utang na loob sa kinalakihan niyang pamilya. Bumaba siya sa komedor kung saan abala ang dalawang katulong sa paghahanda ng pagkain. Pasado alas singko pa lang ng hapon. "M-manang, may maitutulong ho ba ako?" Lapit niya sa isa na tila mayordoma. Ito lang ang iba ang uniporme sa karamihan. Ito rin ang nagbibilin sa isa pa kung ano ang susunod na gagawin. "Kami na ho ang bahala dito. Tatawagin na lang ho namin kayo kapag handa na ang pagkain." Umalis siya sa komedor at bumalik sa kwarto. Napabuntung hininga na lang sa sitwasyong kinalalagyan niya. Binuksan ang tv para manood dahil maiinip siyang tiyak. Ni wala man lang siyang makausap sa napakalaking bahay na ito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD