Sa condo tumuloy si Zane pagkagaling sa airport. Alas sais ng umaga ay tumungo sya sa Cavite at pinuntahan niya ang hospital na pinagdalhan sa mga pasyente. Sa isang malawak na bukirin nag landing ng eroplano. He promised everyone na sasagutin ng kumpanya ang lahat ng gastusin sa ospital at nagpahatid ng tulong pinansyal sa mga kaanak ng mga ito. His father was there at nagulat nang makita siyang naroon. "Akala ko'y ngayon pa lang ang balik mo galing ng Cebu Zane. Hindi ka sa mansyon umuwi?" Umiling siya. Hindi pa niya muna gustong makita ang asawa. "Kailangan kong asikasuhin ang mga pasahero Papa, bago pa tayo pagyestahan ng media." "Nasa balita tayo kagabi pa Zane. Don't worry about it, news will soon die. Ang importante ay kaya nating harapin ang mga pasahero at hindi natin tatakbuha

