FOUR YEARS LATER.. Pagalit na ibinagsak ni Zane ang dyaryo sa mesa ng ama sa opisina nito sa mansyon. His father retired as the Chairman of Albano Corp. long time ago but he never stopped working. At kahit pinalitan niya ang posisyon ng ama sa kumpanya bilang panganay na lalaki, ay hindi pa rin siya ligtas sa pamamanipula nito. Like he did four years ago. At ngayon ay heto nanaman. "Bakit niyo in-announce ang engagement ko kay Margaux Papa? You know I'm married and not capable of marrying again!" Nagtitimpi siya sa galit dahil ama niya ito pero hindi niya itinago ang emosyon sa ginawa nito. Alam niyang may kinalaman ang ama sa nakasulat ngayon sa dyaryo na engagement niya sa anak ng isang stockholder ng kumpanya. "And where is your wife Zane? Apat na taon ni anino ni Selena a

