MARIANNE “Saan ka ba talaga galing?” tanong ni Andrew sa akin. “Alden, aakyat muna si mommy sa taas. Magbibihis lang ako ng damit ko,” paalam ko sa bata para hindi na siya magtanong pa sa akin. “Okay po, mommy.” nakangiti na sabi niya kaya naman umakyat na ako. Kilala ko na si Alden kaya alam ko na hindi ako nahihirapan kapag siya ang kausap ko. Alam ko na nakasunod sa akin ang fiancee ko at hinayaan ko na lang siya. Pagpasok ko sa room namin ay ibinaba ko ang case ng baril ko sa sahig. “Bakit ang tagal mo umuwi? Saan ka galing?” tanong sa akin ni Andrew. “Sa puntod ni daddy k–” “Sa tingin mo ba talaga ay maniniwala ako sa sinasabi mo? Bakit kailangan na magsinungaling ka sa akin? At ito, ano ‘to?” tanong niya sa akin at binuksan niya ang case ng sniper rifle ko. Alam ko na nagulat

