MARIANNE Ang ganda ng buong paligid. Bagay na bagay sa ito sa mga taong may pagka-romantic. Ibig sabihin ay romantic pa lang tao ang ninong ko. Binalingan ko siya at nakatingin lang siya sa akin. Wala akong emosyon habang nakatingin sa kanya dahil nais ko na magsalita siya. Ang tahimik niya kasi. Para siyang kinakabahan, pero wait, kinakabahan ba siya? “H–Hindi mo ba nagustuhan?” tanong niya sa akin. “Hindi–” “Sabi ko na nga ba, sana iba na lang ang ginawa k–” “Hindi mo na naman ako pinapatapos sa sasabihin ko.” sabi ko sa kanya habang nakangiti ako. “Sabi mo kasi hindi mo gusto,” sabi pa niya sa akin. “May sinabi ba ako na hindi ko gusto?” “Hi– “Hindi ko lang gusto dahil gustong-gusto ko, ang ganda kaya. Sobrang ganda, na para bang nasa isa akong panaginip,” nakangiti na sabi ko

