CHAPTER 3

1234 Words
MARIANNE Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nagtatago dito sa loob ng cabinet. Mas pinili ko na dito sa loob ng kusina namin dahil alam ko na hindi sila pupunta dito at kung sakali man na pupunta sila ay hindi nila maiisip na buksan ang mga cabinet dito. Hindi ako lumikha ng kahit na anong ingay dahil ayaw ko pang mamatay. Kung kahapon ay gusto ko na lang mawala na sa mundong ito para makasama ko ang parents ko ay iba na ngayon. Gusto ko ng pagbayaran ng pumatay sa daddy ko ang kasalanan niya. Gusto kong malaman kung sino ang mga sangkot. Dahil hindi ko hahayaan na gumala ang mga kriminal na ‘yon. Tagaktak na ang pawis ko dito dahil kanina pa ako nagtatago dito. Hanggang sa nagulat ako dahil bigla na lang bumukas ang cabinet. “Yanne!” nag-aalala na mukha ng ninong ko ang bumungad sa akin. Ang takot na naramdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho. Yumuko siya at pumantay sa akin. “Are you okay?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. “Huwag kang matakot. Nandito lang ako,” sabi niya sa akin. “Wala na po ba sila? Ano po ang nangyari sa mga kasama ko sa bahay?” tanong ko sa kanya. “Safe silang lahat at oo wala na sila dito,” sagot niya sa akin. Nakahinga na ako ng maluwag sa narinig ko mula sa kanya. Inalalayan niya akong makalabas dito sa cabinet. Basang-basa ng pawis ang damit ko kaya naman nakikita na ang kulay ng bra ko dahil sa puti ang suot kong damit. Nakita ko na umiwas ng tingin ang ninong ko. Kaya nakaramdam naman ako ng hiya. “Sorry po, mainit po kasi sa loob.” nakayuko na sabi ko sa kanya. “Sorry, natagalan kami dahil sa–nevermind,” sabi niya sa akin. Nagulat na lang ako dahil pinatong niya ang coat niya sa balikat ko. “Ayusin mo na ang mga gamit mo. Sasama ka na sa akin,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako. “Po?” “Sa bahay ka na titira, hindi na safe dito. Doon ka na sa akin tumira tulad ng nais ng daddy mo,” sagot niya sa akin. “Okay lang po ba talaga na doon na ako sa ‘yo titira? Wala po bang magagalit?” tanong ko sa ninong ko. “Of course, at sino naman ang magagalit?” nakangiti na sagot niya sa akin kaya mas lalo siyang naging gwapo. “Sige po, aayusin ko lang po ang mga gamit ko.” Sabi ko sa kanya at mabilis akong umakyat sa taas. Mabilis ang kilos ko dahil iniisip ko na baka bigla na lang silang bumalik dito. Ayaw kong madamay pa ang mga tao na narito sa bahay na ito. Kaya pinag-iisipan ko ang dapat kong gawin. Iniisip ko na ipaayos kay attorney ang mga dapat ay nasa kanila. Nagbihis na rin ako ng damit ko. Lumabas ako sa room ko bitbit ang maleta ko. Habang pababa ako ay sinalubong ako ng ninong ko. Siya na mismo ang nagbuhat ng maleta ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa kanya. Hindi ko kayang titigin siya sa mga mata niya. Hindi ko kasi maintindihan itong puso ko bigla na lang akong kinakabahan kapag nakatingin ako sa kanya. Mukha siyang strict pero kapag kausap niya ako ay mahinahon lang siya. “Tara na,” sabi sa akin ni ninong. Pinapasakay na niya ako sa kotse niya. Lumingon muna ako at muli kong sinulyapan ang bahay namin. Bigla na lang akong nalungkot dahil hindi man lang ako nakapag-stay ng matagal dito. “Daddy, babalik po ako dito.” saad ko sa sarili ko bago ako sumakay sa kotse ng ninong ko. Magkatabi kaming dalawa dito sa backseat. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Ang dami ko kasing gustong gawin, mga plano na ginawa ko bago kami umuwi ng daddy ko. Pero ngayon ay naging drawing na lang ang lahat ng nais kong gawin. “Yanne, may gusto ka bang kainin?” tanong sa akin ni Ninong Andrew. “Wala po,” sagot ko sa kanya. “Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo? Gusto mo bang pumunta tayo sa ospital?” tanong niya sa akin. “Wala po at okay lang po ako. I’m good po,” sagot ko sa kanya. “Okay, but if you need anything don’t hesitate to–” “Opo, salamat po.” sabi ko sa kanya. Ngumiti na lang siya sa akin kaya naman muli kung itinuon ang atensyon ko sa labas ng bintana. Ngayon na papunta kami ni ninong sa bahay niya ay kanina pa ako kinakabahan. Nilalamig ang paa at mga kamay ko. Natatakot ako na baka anytime ay bigla na lang may humarang sa amin tulad ng ginawa nila sa amin ng daddy ko. Pero nagulat ako dahil may biglang humawak sa kamay ko. “You’re shaking,” sabi sa akin ni ninong. “Paano po kung harangin rin nila tay–” “Huwag kang mag-isip masyado. Everything is fine, hindi ka nila basta-basta magagalaw sa poder ko,” sabi niya sa akin. “Sino po ba ang nasa likod nito? Sino po ang mastermind nito, bakit po nila ginagawa ang bagay na ito?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Magulo ang mundo ng politika,” sagot niya sa akin. “Magulo? Pero bakit niyo pinapasok ang mundong ‘to?” tanong ko sa kanya dahil nais kong malaman ang sagot. “Dahil mas mahalaga sa akin ang nasasakupan ko. Gusto kong gumawa ng pagbabago. Mga pagbabago na makakatulong sa lahat,” sagot niya sa akin. “Sa tingin mo po ba ay iyan rin ang reason ng daddy ko? Pero kahit na naging mabuti siya ay hindi naman naging mabuti ang lahat sa kanya. Pinatay nila ang daddy ko, pinagkait nila sa akin ang pagkakataon na makasama ko siya. Anong klaseng mga tao sila?” umiiyak na sambit ko. “Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng justice ang pagkamatay ng daddy mo,” sabi niya sa akin. “Ako po ang dapat na gumagawa ng bagay na ‘yan,” sabi ko sa kanya. “Magkasama nating gawin,” sabi niya sa akin sabay pisil sa palad ko. Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil para akong makuryente sa ginawa niya. Nang tumingin ako sa driver ni ninong ay napansin ko na nakatingin siya sa amin habang may ngiti sa labi. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay kaagad itong umayos ng upo. After thirty minutes ay nakarating na kami sa bahay ni ninong. Malaki ang bahay niya, kasing laki rin ng bahay namin. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse niya. Hawak niya ang kamay ko habang papasok kami sa loob ng bahay. Habang naglalakad kami ay nakatingin ako sa kamay naming dalawa. “I’m home!” narinig ko na sabi ni ninong kaya naman may bigla na lang lumapit sa amin. Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil nakatingin ito sa kamay namin. “Who is she?” tanong nito kay ninong habang nakakunot ang noo niya. “She is your new—” “Siya ba ang—”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD