THIRD PERSON POV “Mayor, nasaan si Yanne?” tanong ni Gene pagkarating pa lang ni Andrew sa bahay niya. “May pupuntahan lang raw siya,” sagot naman nito sa kanya. “Saan daw?” “Sa daddy niya. Ang sabi niya sa akin ay dadalawin lang niya ito at uuwi rin siya agad,” sagot naman ni Andrew dahil ‘yon ang sinabi ni Yanne sa kanya at may tiwala naman siya sa babaeng mahal niya. “Ganun ba,” sabi na lang ni Gene at nagpaalam siya na aakyat muna para puntahan si Libby. Nasa isang silid lang sila kaya hindi na siya kumatok pa. Pumasok na lang agad siya sa may pintuan. “Lib, wala pa si Yanne dahil pupunta pa raw siya sa daddy niya sa sementeryo,” sabi niya sa kaibigan. “Sa tingin mo ba talaga ay sa sementeryo siya pumunta? Ang sabi sa akin ni Elias ay binaril niya ang pumatay sa daddy niya. Mab

