MARIANNE “Ate, kapag po ba may chance ay magugustuhan mo po ba ang daddy ko?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. “Magugustuhan mo ba si daddy?” “Magugustuhan mo po siya bilang lalaki? Bilang boyfriend?” tanong niya ulit at mas malinaw. “Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?” tanong ko sa kanya. “Kasi po… kasi po kung talagang hindi na mabubuo ang pamilya namin ay ikaw na lang po. Ikaw na lang po sana ang maging mommy namin,” sagot niya kaya mas lalo akong nagulat. Hindi ko kasi inaasahan na ito ang itatanong niya sa akin. Na ganito ang itatanong niya sa akin. “Anica, gusto mo bang maging honest ako sa ‘yo?” tanong ko sa kanya at tumango siya. “Opo, ate.” “I’m sorry,” sabi ko sa kanya. “Bakit po? Hindi mo po ba magugustuhan si daddy

