MARIANNE “Ninong, stop starin–” “Ang ganda mo kasi, hindi ko kayang alisin ang mga mata ko sa ‘yo.” sabi niya sa akin. “Ninong–” “I like you, Yanne.” sabi niya sa akin na ikinagulat ko. “A–Anong sabi mo?” nauutal na tanong ko sa kanya dahil baka mali lang ako. Baka mali lang ang narinig ko mula sa kanya. “I like you, I mean gusto kita dahil inaanak kita.” sagot niya sa akin at umiwas siya ng tingin. Maang naman akong nakatingin sa kanya. Ang buong akala ko kasi talaga ay sinasabi niya na gusto niya ako. Like, gusto bilang babae pero mali pala ako dahil hindi tulad ng iniisip ko iyong iniisip niya. Pero nakahinga rin naman ako ng maluwag dahil sa narinig ko mula sa kanya. “I like you too, lalo na kapag lagi mo na akong payagan na lumabas,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Makakalaba

