MARIANNE “Matulog ka na nga,” sabi ko sa kanya pero bigla na lang niyang hinalikan ang labi ko. Tinutulak ko siya pero ayaw talaga niyang tumigil hanggang sa pareho kaming nagulat ng biglang gumalaw si Alden kaya bigla kung naitulak si ninong. Na naging dahilan para mahulog siya sa kama. “Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya dahil mukhang nasaktan talaga siya. “Mukha ba akong okay?” tanong niya sa akin kaya napangiwi na lang ako. “Ikaw kasi ang kulit mo,” sabi ko pa sa kanya dahil kasalanan naman talaga niya. “Isa lang naman madamot ka pa–” “‘Yang bibig mo, alam mong may mga bata,” saway ko sa kanya. Para talaga siyang bata. Isip bata na gurangkot na ito. Dahil nga kasama namin ang mga bata ngayon ay pinigilan ko talaga ang sarili ko. Ayaw ko kasi talaga na malaman nila ang tungkol

