MAYOR ANDREW ALCANTARIA (Continuation of Flashback) Masaya ako dahil ang hinhin pala nitong babaeng mahal ko. Pero hindi ko lang talaga nagustuhan na hindi maganda ang unang pakikitungo sa kanya ni Anica dahil inaakala niya na babae ko si Yanne. Sana nga ay totoo na lang na babae ko na siya para mayakap ko na siya at higit sa lahat at mahalikan ko na siya. Sa totoo lang ay grabe ang pagpipigil ko tuwing nakikita ko ang mapula niyang labi. Alam ko na natural ang kulay ng labi niya dahil wala naman siyang nilalagay sa mukha niya. Bare face pero ang ganda. Parang ang sarap halikan ng labi niya. Parang ang sarap panggigilan ng labi niya. Kung hindi ko lang talaga gusto na matakot siya sa akin ay hihilain ko siya palapit sa akin para halikan ang labi niya. Pero kailangan ko magtimpi dahil a

