MARIANNE “Slayyy!” nakangiti na sabi ng kaibigan ko sa akin. “Mukha pa rin ba akong si Yanne?” tanong ko kay Libby. “Sino si Yanne?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Ayan ka na naman, nagtatanong ako ng maayos.” nakanguso na sabi ko sa kanya kasi nang-aasar na naman siya sa akin. “Hindi ko kilala si Yanne kasi Dyosa ang nasa harap ko. Kung siguro nandito ang ninong mo ay mauulit ang kiss niyo,” natatawa na sabi niya sa akin. Siguro nga hindi na ako mukhang si Yanne kaya ganito ang sagot sa akin ng kaibigan ko. Mabuti na lang talaga at wala dito si Gene. Dahil kung nandito rin ang isang ‘yon ay talaga naman. Kawawa na naman ako sa kanilang dalawa. Ang lakas pa naman nilang mang-asar. Kailangan ko kasing baguhin ang appearance ko dahil baka makilala pa ako. Baka makilala pa ako ng

