MARIANNE “Puwede naman na hindi pero dahil bumalik ka dito ay doon ka na sa room ko,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko. “S–Sa room mo?” tanong ko sa kanya. “Kung ayaw mo ay makakaalis ka na,” sabi niya sa akin. “Gusto ko,” nakangiti na sagot ko at mas nauna pa akong umakyat sa room niya. Mukhang masusubok ang pasensya ko sa kanya. Kung aalis ako ngayon ay baka hindi na ako makabalik pa dito. Naniniwala naman ako na magagawa pa rin namin itong misyon namin kahit na nandito ako. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan. Pumasok siya at umupo siya sa kama niya. “Sure ka ba na dito ka?” tanong niya sa akin. “Sabi mo dito ako,” sagot ko sa kanya. “Oo sinabi ko pero hindi naman kita pinilit. Baka sabihin mo ay pinilit kita,” sabi niya sa akin. “Hindi ko nga ‘yan naisip tapos ikaw na

