MARIANNE “Why are you here?” tanong ko kay Ayra pagpasok pa lang niya sa main door. “Bakit ba kailangan mo akong tanungin kung bakit ako nandito? Baka nakalimutan mo na ina ako ng mga anak ni Andrew,” halatang naiinis na sagot niya sa akin. “Hindi ko naman ‘yan nakakalimutan. Kaya lang, may lakas ka pa rin talaga ng loob na bumalik dito after ng ginawa mo sa mga anak mo.” “Kahit pa anong gawin mo ay anak ko sila. At ikaw, magiging babae ka lang ni Andrew–” “Oo naman, babae niya ako. Babaeng papakasalan,” nakangiti na sabi ko sabay pakita ng singsing ko. “What’s the meaning of this?” tanong niya sa akin na halatang galit siya. “Engaged na kami at magpapakasal na, kaya mas lalo kang mawawalan ng karapatan na pumunta sa bahay na ito kapag ako na ang reyna dito.” nakangisi na sabi ko

