THIRD PERSON POV “Dad, tell me. Bakit po ganito ang name ni Ate Yanne sa phone mo? At bakit po siya ang wallpaper mo? Ano po ba ang hindi namin alam, dad? Sabihin mo sa amin,” tanong niya kay mayor. “Sweetie, ang totoo kasi ay–” “Ay ano po?” tanong niya sa daddy niya. “Gusto kong sabihin sa inyo pero sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para d’yan.” sabi ni Andrew sa anak niya. “Gusto po namin ngayon na–” “Sweetie, listen to me. Hindi ko pa masabi sa ‘yo ngayon, sa inyo ngayon,” sabi niya sa mga anak niya. “Kailan? Kailan mo po sasabihin? Gusto mo po ba na ako na ang magtanong kay Ate Yanne? Na siya na ang magpaliwanag sa akin/sa amin?” matapang na tanong ni Anica dahil gusto niya. Gusto niyang marinig na ngayon din. “Sweetie, magagalit ba kayo sa akin?” malungkot na tanon

