MARIANNE “Yanne, is that you?” tanong sa akin ng lalaking nasa harapan ko. “Hi, ikaw pala doc,” nakangiti na sabi ko sa kanya dahil nakangiti rin siya sa akin. “Sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko. Kumusta ka na?” tanong niya sa akin. “Okay lang naman ako.” “Mabuti naman kung ganun,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Sige mauna na ako sa–” Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil nasa harapan ko na rin si ninong at kasama niya si Romell. Nagtama ang mga mata naming dalawa pero ako ang unang umiwas. “Hi, Yanne.” nakangiti na bati sa akin ni Romell. “Hi po, sige po mauna na ako sa inyo.” paalam ko agad sa kanila. Akmang lalampasan ko sila ay nagulat ako dahil bigla na lang akong hinila ni ninong. “Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya. “Mag-uusap tayo,” sagot niya

